17 : Official

29 6 0
                                    

“Sire-” hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi ko dahil kaagad niyang tinakpan ang bibig ko.

“Ano ka ba, ate? Huwag kang maingay.” bulong niya, “Maririnig tayo ni Mama.”

Kaagad niyang itinanggal ang pagkakatakip sa bibig ko.

“Bakit ngayon ka lang nakauwi? 'Diba ang sabi ko, dapat before six?” inis niyang tanong.

Napangiti na lang ako ng tipid.

“Sorry na. Nakalimutan ko ang oras.” sagot ko naman.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Natatakot ako pero at the same time, natutuwa ako dahil tinutulungan ako ni Sirene.

“Masyado ka na namang nalibang. Ako pa tuloy ang mamomroblema saʼyo. Sa likod tayo dadaan para hindi ka makita ni Mama. Tara na.” sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya.

Mabuti na lang, hindi kami napansin ni Mama na pumasok dahil nasa kwarto siya. Nagpapahinga na yata.

Pagkapasok ko ng kwarto, kaagad akong napahiga sa kama dahil sa pagod. Lagi naman akong ganito kapag umaalis. Pakiramdam ko, palagi akong pagod.

“Mabuti na lang, nakalusot tayo.” seryosong sabi ni Sirene at naupo sa tabi ko, “Sa susunod kasi, tumupad ka sa usapan. Muntik na tayo roʼn.”

“Opo, ate.” sarkastiko kong sabi saka ko siya tinawanan.

Hindi niya man ipahalata, alam kong nag-aalala pa rin siya saʼkin kaya naman nakakatuwa.

“Oh? Anong ngini-ngiti mo diyan? Kumusta ang pagkikita niyo ni Gian?” masungit niyang tanong sabay crossed arms.

Ngumiti naman ako saka naupo mula sa pagkakahiga.

“Wala naman. Nag-usap lang kami saglit.” sagot ko ng hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha.

Nakakabaliw talaga kapag inlove. Sa sobrang saya ko, para akong lumulutang. Hindi mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ngayon.

“Anong saglit? Hindi ka nga nakauwi kaagad tapos saglit?” pagtataray niya.

Dinutdot ko naman ang noo niya.

“Ikaw, kung makaasta ka diyan, parang ikaw ang matanda. Sino bang ate saʼtin, ha?” tanong ko.

Tinawanan niya naman ako.

“Ikaw, pero mukhang ako ang mas ate mag-isip saʼting dalawa.” pagbibiro niya.

“Wow, yabang.” saka kami nagtawanan.

Natigil lang ako sa pagtawa ng may sinabi siya out of nowhere.

“Pero ate, sana hindi ka saktan ng Gian na 'yon. Sige na, bababa na ako.” sabi niya saka siya tumayo para sana lumabas ng kwarto.

“Hoy!” pagpigil ko sa kanya, “Ano bang pinagsasasabi mo?”

Tumigil siya sa paglakad saka ako hinarap.

“Worried lang ako.” nakatingin siya saʼkin na parang ang lalim ng iniisip, “Sigurado ka ba talagang gusto mo siya? Marami ka pa namang pwedeng magustuhan bukod sa Gian na 'yon. Marami namang nanliligaw saʼyo noon na mas better sa kanya kaya lang, nireject mo naman. What if masaktan lang kayong pareho? What if niloloko ka lang ng Gian na 'yon?”

Napakunot naman ang noo ko sa mga tanong niya.

“Ang dami mong tanong, ikaw ba ang nagmamahal?” gatong ko, “Kinwestyon ba kita ng niligawan ka ni Bentley? 'Diba hindi? Wala akong sinabi na kahit ano. Hinayaan kita sa gusto mong gawin. Isa pa, igalang mo nga si Taba. Bakit hindi ka nagku-kuya sa kanya?”

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon