19

24 6 0
                                    

Nakauwi na ako pero tulala pa rin ako hanggang ngayon. Nakakausap naman nila ako ng maayos pero lumilipad ang isip ko. Iniisip ko pa rin 'yong nangyari kanina.

First kiss ko 'yon!

Natinag lang ako sa pag-iisip ng marinig kong magring ng cellphone ko. As expected, siya nga ang tumatawag.

“Napatawag ka?” wala sa sarili kong tanong.

“Girlfriend ko, galit ka ba? Mula ng pag-uwi mo kanina, hindi mo ako pinapansin. Dahil ba 'to doʼn sa—”

“Ayokong pag-usapan 'yon, okay? Please.”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.

Hindi naman ako galit. Hindi ko lang talaga alam kung paano ako magre-react. Ayokong mahalata niya na masyado akong naapektuhan sa ginawa niyang 'yon.

Ayokong magmukhang ignorante na hindi pa nakaka-experience ng first kiss. Gusto kong isipin niya na hindi na bago saʼkin 'yon.

“Pasensiya na kung nabigla kita, Girlfriend ko. Good night.”

“Good night.” tipid kong sagot saka agad na itinigil ang tawag.

Napahiga na lang ako sa kama at wala sa sariling hinawakan ang labi ko.

Dapat naiinis ako sa kanya kasi ninakaw niya ang first kiss ko, pero bakit ganito? Ni hindi man lang ako nakaramdam ng inis?

Parang pabor na pabor pa 'yon saʼkin. Masyado akong na-excite sa puntong sinubukan kong gantihan siya ng halik kahit hindi ko alam kung paano. Nababaliw na yata ako!

“Ate?” napabuntong-hininga na lang ako ng marinig kong kumakatok si Zyrene.

Ano na naman bang kailangan niya?

“Ate?” muli niyang pagtawag ng hindi ko siya sinagot.

Napaupo na lang ako mula sa pagkakahiga ko sa kama.

“Pumasok ka na nga lang! Hindi naman 'yan naka-lock.” inis kong sagot.

Kusa niyang binuksan ang pinto saka ako inabutan ng tsokolate.

“Oh.”

“Ano 'yan?” matamlay kong tanong.

“Chocolate, malamang.” pataray niya namang sagot.

“Alam ko, anong gagawin ko diyan?” binigyan ko siya ng naiinis na tingin.

“Ate, kukunin mo ba 'to o hindi?” tumaas bigla ang boses niya kaya naman natawa ako at kinuha ang chocolate na binigay niya.

“Ang sungit. Buti nakakatagal si Bentley sa ugali mong ganyan.” pang-aasar ko habang wala pa rin akong tigil sa pagtawa.

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

“Mahal ako noʼn kaya kami tumagal. Sa kanya pala galing 'yan.” tipid niyang sagot.

Natigilan ako sa pagbukas ng chocolate saka siya mapang-asar na tiningnan.

“Balak ka bang patabain ni Bentley? Wala yata siyang alam na ibigay saʼyo kundi chocolate.” natatawa kong sabi.

“Alam mo, kung gusto mo rin ng chocolate, pwede ka namang humingi doʼn sa Gian na 'yon. Huwag mong guluhin si Bentley.” inis niyang sabi saka siya akmang aalis na.

“Kami na pala ni Taba. Sinagot ko siya kanina.” pahabol kong sabi bago siya tuluyang lumabas.

Natigilan siya saka ako nilingon. Wala siyang reaksyon na ipinakita.

“Alam ko. Narinig kong sinabi ni Kuya Stanley kanina.” tipid niyang sagot.

Na-frustrate lang ako dahil wala man lang siyang pinakitang kahit anong reaction.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now