09

36 7 0
                                    

Wala kaming pasok kinabukasan kaya naman nagyaya si Abeth na magpunta kami sa kanila.

May trabaho naman si Kuya Mj at Zald kaya hindi sila makakasama. Si Stanley naman, may pasok. Kami lang ni Chin at Andeng ang nakapunta sa bahay nila Abeth.

Mabuti na nga lang at pagkatapos ng mga nangyari, hindi naman sila nagalit saʼkin. Expected na rin naman daw nila 'yon kasi nga, sobrang close kami.

“Buti naman at makakalanghap na tayo ng sariwang hangin.” masiglang sabi ni Chin habang nakapikit ang mata, at nilalanghap ang hangin na amoy may naglulutong barbecue.

Salubong naman ang kilay ko habang tinitingnan siya.

“Gutom ka na ba kaya ka niyan nagsasabi?” tanong ko.

Iminulat niya naman ang mata niya saka ako tiningnan. 

“Huwag kang magulo, nag-memeditate ako.” sabi niya saka muling ipinikit ang mata.

Wala sa sariling napailing ako at natawa sa sinabi niya.

Kapapanood niya talaga 'yan ng Kdrama.

“Hoy, mamaya na kayo magchikahan diyan. Meryenda muna tayo.” dumating si Abeth na may dalang juice at saka tinapay.

Nang marinig ni Chin ang sinabi ni Abeth, kaagad niyang iminulat ang mata niya. Tiningnan niya ang dala nito saka ngingiti-ngiting naglakad palapit kay Abeth.

“Oy, salamat. Kanina ko pa talaga 'yan hinihintay.” nakangiting sabi niya at kumuha ng tinapay.

Natawa na lang ako.

Namiss ko rin ang ganito. 'Yung masaya lang kaming lahat.

Mas magiging masaya pa 'to kung nandito sila Kuya, pero kung sakali ngang nandito sila, awkward para saʼmin na mag-usap na gaya ng dati.

“Ikaw, Kie?” tanong ni Abeth saka ako inabutan ng tinapay, “Magmeryenda ka na rin. Mamaya ka na mag-Stanley diyan.”

“Hoy, tumigil nga kayo.” inis kong sabi saka sila nagtawanan.

Wala sa sariling kinuha ko ang tinapay pero hindi ko rin kinain. Wala ako sa mood na magmeryenda lalo pa at lately, palaging lutang ang isip ko.

“Ang lalim ng iniisip mo, ah?”

Natinag ako sa pag-iisip ng may narinig akong boses. Nang lumingon ako, nakita ko si Andeng na papalapit saʼkin.

“Hindi naman.” tipid kong sagot saka ako pasimpleng tumawa.

Napansin kong hawak ko pa rin ang panlegazpi na tinapay kaya naman inalok ko 'yon kay Andeng.

“Tinapay, gusto mo?” sabay abot ko sa kanya.

Ngumiti siya saka kinuha ang inabot kong tinapay. Nagsimula siyang kainin 'yon habang pinagmamasdan ko lang siya.

Ilang segundo ring tahimik ang paligid. Hindi kami nagsasalitang pareho.

Kahit pa kasi nag-uusap kami ni Andeng, hindi naman maiwasan na maging awkward kami sa isaʼt-isa dahil sa mga nangyari.

“Kie, sorry kung masyado akong paasa.” napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya, “Alam ko naman na nasasaktan ko sila at hindi ko idedeny 'yon. Sorry rin kung nasaktan kita ng hindi ko alam.”

Ngumiti lang ako ng tipid.

“Huwag mo ng isipin pa 'yon, ano ka ba?” tinawanan ko lang siya.

Totoo namang hindi na big deal saʼkin ang mga nangyari. Wala na akong ibang gustong mangyari ngayon kundi maging maayos kaming lahat.

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon