11 : I Think I Like You

35 6 0
                                    

“Okay ka lang ba?” nabalik ang isip ko sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Chin.

Tumango lang ako saka siya tipid na nginitian.

“Kie, 'yung totoo.” muling sambit niya, “Sinabi ko naman na saʼyo na wala ng lihiman, 'diba? Kung merong problema, dapat sasabihin mo saʼmin.”

Hindi pa rin ako nagsalita at napayuko na lang.

“Ilang araw ka ng ganyan. Tulala. Ang lalim ng iniisip mo. Ilang araw na rin kitang tinatanong pero puro okay lang ang sagot mo.” batid kong naiinis na siya saʼkin base sa tono ng boses niya.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Andeng pero tumango lang siya. Parang sinasabi niya na sabihin ko na ang kung anong sama ng loob ko.

“Kie, nag-aalala lang naman kami saʼyo. Hindi mo naman kailangang solohin ang problema mo dahil makikinig naman kami.” paliwanag ni Chin, “Ano bang bumabagabag sa isip mo? Pwede ko bang malaman?”

Nahihiya akong tumingin sa kanya.

“Chin, hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.” ilang kong sabi.

Hinimas naman ni Andeng ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Kie, hindi mo naman kailangang i-pressure ang sarili mo. Paunti-untiin mo lang ang pagkwento. Kung saan nagsimula at bakit lumala ang problema, mga ganoʼn lang naman.” pagpapaliwanag rin ni Andeng.

Tumikhim muna ako bago tuluyang magsalita. Nakita ko sila na inaabangan na ako sa kung anong ikukwento ko.

“Hindi niyo ba ako pagtatawanan sa sasabihin ko?” tanong ko.

Nagsalubong ang kilay nila saka ako inis na tiningnan.

“Kie, seryosong usapan 'to, bakit kami matatawa?” inis na sabi ni Chin.

“Kasi naman, alam kong iniisip niyong si Stanley ang rason kaya ako ganito, pero hindi naman, eh.” sagot ko kaya naman nanlaki ang mata nila.

“Kung hindi si Tantan, ano ba 'yan? Problema sa bahay? Pera? May cancer ka?” sunod-sunod namang tanong ni Andeng kaya natawa na lang ako.

Binatukan naman siya ni Chin. Napahawak naman si Andeng sa ulo niya at inis niya itong tiningnan.

“Magtigil ka nga! Hayaan mo siyang kusa na magkwento. Kung ayaw niya, hintayin na lang natin kapag handa na siya.” muling sambit ni Chin saka ibinaling ang tingin saʼkin, “Donʼt worry, Kie. Kung hindi ka pa ready na magkwento saʼmin, naiintindihan ko.”

Nakahinga ako ng maluwag. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanila kapag handa na akong magkwento.

“Syempre, joke lang 'yon. Hindi ka makakauwi ng hindi mo saʼkin sinasabi kung anong problema.” sabi ni Chin saka ako sinamaan ng tingin.

Akala ko pa naman, ligtas na ako.

“Hindi ko maatim na makita kang tulala at nakabusangot buong araw, kaya sabihin mo na. Tayo-tayo lang naman ang nandito, bakit hindi mo magawang masabi saʼmin?” muling tanong niya.

Hindi ko alam ang sasabihin sa totoo lang. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa nakalipas na tatlong araw.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now