24

22 6 0
                                    

“Ma! Nandito na si Ate!” sigaw ni Aureole ng makita ako.

Lumabas naman si Mama mula sa kusina at kunot-noo akong tiningnan.

“Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nautangan ng isang libo.” pang-aasar ni Mama, “Magbihis ka na. Tulungan mo akong magluto sa kusina.”

“Sige po, Ma.” tipid kong sabi saka ako dumiretso ng kwarto.

Sinilip ko saglit ang cellphone ko at nakita kong tadtad pala ako ng missed calls galing kay Taba.

Nag-text pa siya saʼkin at nagchat ng sorry.

Actually, hindi naman talaga ako galit sa kanya. Masyado lang akong na-frustrate dahil nagpapadala siya sa inis. Hindi pa naman talaga dapat kami uuwi pero napaaga tuloy dahil sa nangyari.

Plano pa naman sana naming umuwi thirty minutes bago ang Pasko, kagaya noʼng araw na sinagot ko siya kaso alas-diyes pa lang, nakauwi na ako.

Bumaba na rin ako para tumulong sa pagluto.

Hindi kami nagkausap ng araw na 'yon dahil busy na rin kami sa paghahanda para sa Pasko.

Nagbati kami kinabukasan na. Nag-sorry siya saʼkin. Babawi na lang daw siya pero sabi ko naman, okay na ako basta kalimutan niya na ang issue nila ni Chester.

Sa ilang araw na nakalipas, wala na rin namang masyadong ganap.

Puro lamon na lang ang ginawa ko habang naghihintay ng bagong taon.

“Pandak, cr lang ako saglit, ha?” pagpapaalam ni Taba, “Ibababa ko muna 'to. Tatawagan na lang kita ulit.”

“Ba naman.” may halong pagkalungkot ang boses ko.

Kung kailan naman kasi malapit na ang countdown, saka pa naisipang mag-cr.

“Pandak, saglit lang naman ako.” natatawa niyang sabi, “Hindi naman ako aabot ng isang oras sa banyo. Aabot pa rin tayo sa countdown.”

“Hindi mo na ba kayang tiisin 'yan? Isang minuto na lang ang natitira.” pagpigil ko.

“Titiisin ko ang pagtae ko? Ayos ka lang?” natatawang sabi niya, “Countdown lang naman 'yan. Wala namang mawawala kung sakali mang hindi tayo umabot. Sige na.”

“Teka—”

Napabuntong-hininga na lang ako ng itinigil niya ang tawag.

Nagsimula ng magbilang ang lahat pero nakaupo lang ako sa sala. Tinatawag ako ni Mama pero hindi ako kumibo. Alam ko namang ang babaw pero gusto ko sanang salubungin ang New Year ng katawagan si Taba. Kahit doon man lang, ramdam kong kasama ko siya.

“Kie, anak, ano na? Wala kang planong tumayo diyan at kunin ang torotot mo?” panenermon ni Mama.

“Susunod na lang ako, Ma!” sigaw ko pabalik.

Sinisilip ko pa rin ang phone ko sa pagbabakasaling tatawag siya ulit.

“Ten!”

Naku naman, hindi pa rin siya tumatawag.

“Nine!”

Nanatili lang akong nakaupo sa sofa. Hawak-hawak ko pa rin ang phone ko.

“Eight!”

“Seven!”

“Six!”

“Five!”

“Four!”

“Three!”

“Two!”

“One.”

Halos maestatwa ako mula sa kinauupuan ko ng makilala ko kung kanino ang boses.

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon