Epilogue

21 3 0
                                    

Ang daming tao sa airport. May mga nakikita akong kararating lang galing ibang bansa. May iba naman na aalis din gaya ko.

Kahapon desidido na talaga ako pero ngayoʼng nandito na ako, parang gusto kong umatras. Feel ko, masyado akong ma-ho-homesick doʼn.

“Kie, mag-iingat ka, ha? Chat mo ko kaagad or tawagan kapag nakarating ka na ng America. Ikumusta mo ko kay Andeng,” paalala ni Chin kaya tumango lang ako.

“Ikumusta mo rin ako kila Mama. Noʼng huling paalam ko, ayaw akong payagan kaso alam mo na, matigas ang ulo,” pagbibiro ko.

Niyakap naman ako ni Chin bilang pamamaalam. Para akong maiiyak. Two months lang naman ako doʼ pero kung magdrama kami dito parang taong kaming hindi magkikita.

“Kie, be safe,” sabi naman saʼkin ni Chester saka ako niyakap. “The boys want me to say na mag-iingat ka raw. Hindi na sila nakapunta rito kasi may kanya-kanya silang lakad,” bulong niya saʼkin at pagkatapos noʼn, kumalas na siya sa yakap.

Tumango naman ako saka nagpunas ng kaunting luha na pumatak sa mata ko. I donʼt want to be a crybaby pero hindi ko alam kung bakit naiiyak talaga ako.

“Final call for boarding. Final call for boarding for the last remaining passengers. Last remaining passengers on Philippine Airlines Flight on PR30209 bound to United States. This is your final call, on board, please.”

Natigilan kaming lahat nang marinig na namin ang pagtawag sa mga pasahero. Doon na kami nagyakapan at kahit mabigat sa loob ko na tumalikod sa kanila, nagpatuloy pa rin akong maglakad papunta ng eroplano.

Kaagad na nag-welcome sa amin ang mga flight attendant pagkapasok namin. Pagkatapos noʼn, nag-demo na sila. Hindi ko nga halos maintindihan ang demo nila at hindi ko alam kung bakit. Nakatingin naman ako sa kanya pero lumilipad ang isip ko.

Bigla akong nainis dahil kung kailan nasa eroplano na ako, saka ko pa naalala ang tungkol kay Gian.

I suddenly remembered his wedding.

Just thinking about how happy he is, ang sakit. Mas gugustuhin ko pang hindi ko alam na ikakasal siya sa iba because Iʼm starting to overthink.

Ayokong lokohin ang sarili ko at sabihin kong masaya ako for him because I am not happy. It kills me. It really kills me to the point that it feels like, someone just hit me with billions of arrow.

“Êtes-vous bien?”

Natigilan ako sa pag-iyak nang kalabitin ako ng lalaking katabi ko sa upuan. Heʼs saying a language that I canʼt understand. Maybe itʼs french.

“Sorry I donʼt understand,” paghingi ko ng paumanhin. “I only speak English.”

Tumango naman siya at sumenyas saʼkin ng okay. Maybe heʼs asking me if Iʼm okay kaya tumango lang ako. He just smiled. Pagkatapos noʼn, nagsalpak na lang ako ng earphones at tumingin sa bintana ng eroplano.

Kahit paano ay naging mapayapa ang isip ko. Lalo pa noong nagsimula na itong pumaitaas, lahat ng gumugulo sa isip ko, parang biglang nawala. Wala akong ibang nakikita sa bintana kung hindi ang mga mapuputing ulap.

Ipinikit ko ang mata ko habang dinadama ang tugtog. Ito 'yong kanta namin nila Chester na Sleepless. Hindi ko alam pero ito ang pinakapaborito kong kanta sa banda nila. Ang ganda kasi ng beat. Ang payapang pakinggan. Parang hinehele ako.

“What?” my eyebrows raised when that guy tapped my shoulder.

Biglang nanlaki ang mata ko dahil nakikita ko ang reaksyon niya. Para siyang kinakabahan. Hindi ko kasi marinig ang sinasabi niya.

“What? What are you saying? I canʼt hear you,” itinuro ko ang tenga ko dahil hindi ko siya naiintindihan.

He gestured na tanggalin ko raw ang earphones ko. Nang tanggalin ko 'yon, doon na ako nagsimulang mag-panic dahil nakita kong nagkakagulo na ang mga flight attendant.

Nag-malfunction daw ang eroplano at babagsak daw ito sa tubig.

“The vest! Please wear the vest!” rinig kong sabi ng stewardess saʼkin pero bago ko pa 'yon maisuot, nauntog ako sa bintana ng eroplano.

Mukhang nawalan 'yon ng balanse saka biglang tumagilid. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyari dahil nahilo ako mula sa pagkakauntog.

Ang narinig ko na lang na sabi nila, sasabog daw ang eroplano.

Sh t! I can see the fire coming right at me! Napapikit na lang ako at inalala ang huling sandali ng buhay ko.

Nakangiti kong inaalala ang lahat. Masasaya o malulungkot na alaala man, pinilit kong alalahanin. Tuluyan na akong bumigay dahil nararamdaman ko na ang init ng apoy sa buong katawan ko.

This is really the end.

Hanggang sa huli, pinanindigan ko ang pangako ko na ikaw ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko.

You will always be my Taba, even I am no longer your Pandak.

I love you, Gian. Goodbye.

- ☪ -

24th of DecemberWhere stories live. Discover now