43

6 4 0
                                    

Noʼng sinabi 'yon ni Chester, hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko rin naman alam kung ano bang dapat kong sabihin. Base on his looks naman, I can say na sincere naman siya.

I also want Chester to be part of my life as a friend. I was never close din naman when it comes to friendship. Hindi ko lang talaga alam kung anong dapat i-reply sa sinabi niya.

“Heto na po ang order niyo,” rinig naming sabi ni Aling Tasing kaya para napatingin ako sa nilapag niya.

So his regular drink is cappuccino.

“Enjoy!” nginitian kaming pareho ni Aling Tasing while Chester thanked him. Pagkatapos noʼn, bumalik na siya sa counter para asikasuhin 'yong ibang customers.

Dahil nga hindi naman ako mahilig sa kape, tiningnan ko lang 'yon. Si Chester naman, kaagad na sumipsip. Weʼre still not talking after noʼng sinabi niya kanina.

“Awkward ba ang naging tanong ko? If ever man, sorry. I didnʼt mean to make the situation awkward,” sabi niya saka muling sumimsim ng kape.

“No, itʼs okay. Hindi ko lang talaga alam kung ano bang dapat kong isagot,” tugon ko naman. Sinubukan ko ring tikman ang kape dahil sayang naman kung hindi maiinom 'yon.

Ramdam kong tinititigan ako ni Chester kaya naman muli akong napatingin sa kanya. Itʼs like, heʼs expecting me to say more.

“I know naman na youʼre a good person, Chester. Until now, Iʼm still thankful that you saved me from drowning. I also want to know more about you. If you really want to be part of my life, whatʼs the reason for me to disagree, 'di ba?”

He nodded at my statement. He smiling at me right now at parang ipinapahiwatig ng ngiti niya na masaya siya ngayon.

“But—”

His smile faded when I started to talk again. Nagtaas pa ang dalawang kilay niya na para bang inaabangan kung anong sasabihin ko.

“Letʼs not force everything. If we are destined to be friends, then okay. Hindi naman natin kailangang pilitin na maging close kaagad. Do you get my point, right?” medyo naging worried ang pagkakatanong ko sa kanya.

I canʼt read his expression. I just really hope that I didnʼt offended him but good thing, he smiled naman. Tumango-tango pa siya na parang sinasabing naiintindihan niya ako.

“Thank you, for real,” iyon na lang ang nasabi ko then we both smiled at each other.

Pagkatapos ng pag-uusap namin doʼn sa coffee shop, hinatid niya na ako pabalik ng bar. Nag-decide na rin akong umuwi noʼn.

After that scenario, hindi na kami nagkita pa ulit ni Chester. Hindi na rin naman ako bumalik sa bar dahil busy na rin naman ako sa work and class. Hindi rin naman namin nahingi ang socmed ng isaʼt-isa kaya ganoʼn ang nangyari.

Well, ang iniisip ko na lang, kung destined kaming magkita, magkikita na lang kami ulit.

Sa buong taon na lumipas, wala akong halos naging mundo kung hindi trabaho, eskwelahan, at bahay. Then back to the routine. Araw-araw ganoʼn thatʼs why hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras.

Narealize ko na naman na December na naman kaya ngayon, nandito na naman ulit ako sa bar. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bumalik na naman ako dito.

“Grabe, ha? Mukhang every Christmas na lang, lagi kang lonely. Pasalamat ka magkaaway kami ng fam ko kaya nasamahan kita rito,” rinig kong sabi ni Chin sabay inom ng inorder niyang margarita.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Well, maybe, I should be thankful talaga na magkaaway sila ng pamilya niya ngayon. Kung hindi, tama siya. Mag-isa na naman ako dito gaya noʼng last year. Wala na naman akong kasamang mag-celebrate ng Pasko. Ang lungkot lang.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now