15

25 6 0
                                    

“Sigurado ba kayong usap lang ang ginawa niyo?” may bahid ng paghihinala ang tanong ni Chin.

Nagtinginan lang kami ni Taba saka tumawa at umiling.

“Usap nga lang, baliw.” natatawa kong sabi.

Tumango naman siya pero halata pa rin sa mukha niyang hindi siya kumbinsido.

Kasalukuyan kaming naghahanda ng mga putahe sa mahabang mesa.

Actually, dalawang mesa lang 'to na pinagdugtong namin. Ayaw kasi ni Mama na kumain ng hiwa-hiwalay kaya ginawan niya ng paraan.

Hindi naman na halata na pinagdugtong lang ng malagyan na ng mantel.

Mabuti na lang at willing tumulong ang lahat kaya mas madaling natapos ang pagluluto nina Chin.

“Ikaw talaga, Chin. Ke usap o hindi ang ginawa nila, wala ka ng pakialam doʼn. Privacy na nila 'yon.” pagsabat naman ni Ink.

Bigla namang nanlaki ang mata ko at agad akong nagsalita.

“Hoy, usap nga lang talaga ang ginawa namin!” pagprotesta ko.

Mas lalo tuloy silang nagsuspetsa saʼkin. Mga malalagkit na tingin ang ibinigay nila lalo na nitong si Nanon.

“Usap lang? Walang hawak sa kamay na naganap?” pinanliitan niya ako ng mata.

“Syempre, kasali 'yon!” inis ko namang sagot, “Wala namang masama sa paghawak ng kamay, ah?”

Hindi nagsalita si Nanon. Tinawanan niya lang ang naging sagot ko.

“Usap at hawak-kamay lang? Walang yakap?” muli niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kalalaking tao talaga, napakachismoso.

“Syempre ano—meron.” naiilang kong sagot.

Muli na naman siyang nagsalita.

“Usap, hawak-kamay at yakap lang? Walang halik?”

“Wala!” nagkatinginan kami ni Taba dahil pareho kaming sumagot.

Mas lalo tuloy nagduda si Nanon at ngumisi lang saʼmin ng mapang-asar.

Totoo namang walang halik na nangyari. Ganito lang talaga kami mag-react ni Taba dahil kung anu-anong ibinibintang nila.

“Hoy! Tumigil ka nga! Inaasar mo na naman ang dalawa.” suway ni Ink kay Nanon.

Natigilan kaming lahat sa pag-uusap ng dumating si Mama at sinilip kami.

“Wow! Parang malaking dinner ang magaganap ngayon, ah? May plating pa talaga kayong nalalaman.” papuri ni Mama matapos makita ang mesang puno ng pagkain, “Sayang ano? Wala si Stanley at Andeng.”

Tumango lang ako kay Mama.

“Oo nga, ate. Panigurado, miss na ni Ate si Kuya Stanley.” pang-aasar naman ni Leonardo saʼkin.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin pero binelatan niya lang ako.

Kapag humingi pa talaga siya sa susunod ng pera, hindi ko na siya bibigyan.

“O siya, maupo na tayong lahat at huwag nating paghintayin ang grasya.” masiglang sabi ni Mama at kaagad siyang umupo sa gilid ng mesa.

Doon ko narealize na saktpng dose kami kaya naman natuwa ang lahat. Parang the last supper daw ang peg namin.

Sabay-sabay kaming nagdasal bago kumain.

Kanya-kanya kaming nagsipagsandok sa mga plato namin at hindi mawala ang ngiti ko dahil halatang excited sina Mama.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now