41

12 6 0
                                    

Halos ilang buwan din akong nagmukmok to the point na napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Good thing, bago pa ako tuluyang bumagsak, tila ba nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog. Nagsumikap akong bawiin lahat ng absences ko. Tinulungan naman ako nila Chin kaya maswerte kong natapos ang school year.

Ang dami kong na-realize pagkatapos noʼn. Na-realize kong hindi naman natatapos ang buhay dahil lang may isang taong nawala.

Maaring ibinuhos ko ang buong pagmamahal ko kay Taba, sa puntong halos wala ng natirang pagmamahal para sa sarili ko. Maaring naging tanga ako, ngunit hindi ibig sabihin noʼn na pababayaan kong habambuhay akong malugmok sa kalungkutan. Hindi naman pwedeng habambuhay na lang akong magpakatanga at umasa na babalik pa siya kahit obvious namang hindi na.

Totoong hindi madaling kalimutan ang mga pinagsamahan namin. Sobrang hirap. Hindi rin naman biro ang tatlong taon. Masasaya o malulungkot na memorya, lahat ng 'yon nakatatak pa rin sa isip ko hanggang ngayon. Kahit saan ako magpunta, kahit pilitin kong iwala sa isip ko, patuloy ko pa ring naaalala.

Alaala.

Tanging alaala na lamang ang lahat.

“Hereʼs your order, miss,” para bang bumalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ng bartender. Iniabot niya saʼkin ang inorder kong tequila.

Ngumiti lang ako sa kanya at saka inilibot ang tingin sa paligid.

I smiled while scanning the whole place. Halos isang taon na rin ang nakalipas pero para bang ang dami na kaagad ipinagbago ng lugar na 'to. Sa pagkakatanda ko dati, resto bar pa 'to, e. Ngayon, literal na bar na siya. Nag-upgrade din ang mga cocktails nila dito. Mas naging malawak ang lugar. Design pa lang talagang mapapansin na lumago ng grabe ang pagmamay-ari na 'to ni Clark.

I feel so happy for him but on the other side, I feel sad. Sa dami ng ipinagbago ng lugar na 'to, wala ng makikitang bakas ng kahapon.

Wala na ang couch kung saan kami pumwesto ni Taba noʼng una niya akong dinala dito. 'Yong maliit na counter kung saan nagtipon ang mga tao noʼn para makiusyoso sa eskandalo, wala na rin. Naging Djʼs booth na.

Noʼng tumagal rin, nakalimutan na ng mga tao ang tungkol sa video. Mukhang nadelete na rin sa katagalan dahil nga wala ng halos pumapansin.

I sighed after I realized what Iʼve done. Mukhang maling desisyon na pumunta pa ako rito. Mukhang imbes na aliwin ko ang sarili ko, magmumukha lang akong broken. Naaalala ko lahat kasi supposedly, fourth year anniversary na dapat namin ngayon.

Itʼs been one year since he left but the pain is still here. His memories keeps on haunting me. Nandito pa rin ang pakiramdam na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

“Hey! Are you alone?”

Napatingin ako sa bandang likuran ko when a random guy approached me. Mukhang naghahanap ng kafling 'to at talagang ako pa ang napagdiskitahan.

“Iʼm with someone, sorry,” sagot ko kahit wala naman talaga akong kasama. I just want to get rid of him kaya nagsinungaling na lang ako. Hindi rin naman ako nandito para makipagkilala sa kung sinu-sino.

“Then where is that someone? Mukhang wala ka namang kasama,” gatong niya pa.

Napairap na lang ako. Looks like this guy is testing my patience.

“Aalis ka ba or do you want me to kick you on your balls?” pagtataray ko but it seems like it didnʼt work. Mas lalo lang akong nainis ng makita kong lumawak ang ngiti niya.

“Oh, wild. I like that,” he said that seductively.

Napangiwi ako. Mukha siyang manyakis sa lagay niyang 'yon.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now