02

48 9 0
                                    

Napasandal na lang ako sa pinto saka huminga ng malalim.

Pinipigilan kong umiyak pero parang may sariling buhay ang mata ko.

Parang gripo at dire-diretso ang pagtulo ng luha.

Mas mabuti na rin sigurong nandito ako sa loob. Hindi ko siguro kakayanin kapag narinig ko ng harap-harapan ang pagtatapat niya kay Andeng.

Ang t nga mo naman kasi, Kie. Pinakitaan ka lang ng kaunting concern, akala mo naman gusto ka na.

Dapat lagi kong itatak sa isip na kaibigan niya lang ako. Hindi na 'yon mahihigitan pa.

“Kie, pwede ba akong pumasok?” rinig ko ang pagkatok ni Chin sa pinto.

Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at pilit akong nagsalita ng normal.

“Bukas 'yan. Pasok ka na lang.” saad ko.

Dahan-dahang binuksan ni Chin ang pinto. Seryoso ang mukha niya habang tinatabihan akong umupo sa kama.

“Nasasaktan ka.” hindi patanong ang sinabi niya, more of statement.

Nakayuko lang ako. Ni hindi ko magawang magsalita.

Masyado na akong huli sa akto para magdeny pa.

“Alam kong nasasaktan ka kahit hindi mo sabihin saʼkin, Kie. Gusto mo si Stanley, hindi ba?” mahinahong tanong niya.

Pagkasabi niya noʼn, walang humpay na naman ako sa pag-iyak. Niyakap naman ako ni Chin habang hinihimas ang likod ko.

“Kie, tama na, please.” pag-aalo niya.

Pinipilit ko namang huwag umiyak pero kumukusa. Nakakatawa man pero kahit walang kami, masakit talaga.

Umasa ako, eh. Akala ko, pwede.

Hindi ako nagsalita. Puro iyak lang ang ginawa ko. Inalo naman ako ni Chin sa pamamagitan ng pagyakap at paghimas sa likod ko.

Gusto kong umiyak buong gabi pero alam kong hahanapin ako nina Stanley.

Ng tumigil na ako sa pag-iyak, sinabi ko kay Chin na babalik na kami doon sa kusina.

Nakita kong iba na ang ngiti ng dalawa ng makabalik kami. Marahil ay nagtapat na si Stanley kay Andeng.

“Merry Christmas ulit. Salamat sa pakain. Kitakits na lang tayo sa school after New Year, ha?” sabi ni Andeng saka niya ako niyakap bago umalis.

“Bro! Merry Christmas!” nakangiting sabi naman ni Stanley.

Nginitian ko lang sila.

“Kie, aalis na rin ako.” sabi rin ni Chin saka niya ako niyakap.

Bago siya tuluyang kumalas sa pagkakayakap saʼkin, may ibinulong siya.

“Huwag mong salubungin ang New Year ng malungkot.”

Dalawang buwan ang nakalipas pagkatapos ng bagong taon.

Tuloy pa rin sa panliligaw si Stanley kay Andeng.

Masakit, pero unti-unti ko na ring natatanggap ang sitwasyon. May mga tao lang sigurong hindi talaga itinakda para saʼtin.

“Ang daya! Hindi man lang tayo nakasali sa With Honors!” pagrereklamo ni Andeng.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa may hallway ng school. Kakakuha lang namin ng grades.

Kanina lang, in-announce kung sino ang With Honors at With Highest Honors para sa recognition.

Nalalapit na naman ang bakasyon.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now