21

23 6 0
                                    

Wala sa sariling iniabot ko ang kamay ko sa kanya.

Habang papunta kami sa dancefloor ni Taba, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Parang sasabog na hindi ko maintindihan.

“Bakit mo ako niyaya?” nahihiyang tanong ko habang nagsasayaw kami sa gitna.

Ngumiti naman siya saka ako binulungan.

“Nagpaalam ako saʼyo kanina, 'diba? Sabi ko, kapag sweet dance na, isasayaw kita. Tumango ka pa nga noʼn.” sagot niya naman.

Natawa na lang ako ng marealize ko na iyon pala ang ibinubulong niya saʼkin kanina.

“Kanina ka pa ngiti ng ngiti. Kinikilig ka ba saʼkin?” pang-aasar niya kaya kaagad ko naman siyang itinapik.

“Baliw! Masaya lang ako. Alam mo bang first time ko lang sa sayawan?” nakangiti kong sabi.

Batid ko naman ang pagtataka sa mukha niya.

“Seryoso? Kung ganoʼn, ano pang mga hindi mo nagagawa? Sabihin mo saʼkin.” turan niya.

“Bakit ko naman sasabihin? Nakakahiya kaya. Ako 'tong mas matanda saʼyo tapos ako pa 'tong parang walang kaalam-alam saʼtin.” bumusangot ako pero mas lalo lang lumawak ang ngiti niya.

“Kaya nga tinatanong kita kung ano pang hindi mo nagagawa, kasi gagawin natin ng magkasama.” natigilan ako sa sinabi niya.

Kami na pero kung bumanat siya, akala mo nililigawan pa rin ako.

Nakakainis. Kinikilig ako.

“Oy, kinikilig.” pang-aasar niya pero tinapik ko lang siya saka sinamaan ng tingin.

“Hindi kaya. Ang corny.” pangtanggi ko.

Nabaling ang tingin ko sa iba pang pares ng sumasayaw. Ngayon ko lang narealize na pinagtitinginan pala nila ako. Hindi lang basta tingin, parang kinikilatis nila ako mula ulo hanggang paa.

“Okay ka lang?” tanong niya ng mapansin niyang sumeryoso ang mukha ko.

Tumango lang ako at saka siya binigyan ng pilit na ngiti.

“Huwag mo silang pansinin. Ganyan lang talaga sila sa dayo.” napatingin ako sa kanya dahil sa bigla niyang sinabi.

Napansin niya siguro na panay ang tingin ko sa paligid.

“Sa akin mo lang kasi ituon ang atensyon mo at huwag sa kanila, Girlfriend ko.” natatawa niyang sambit.

Nginitian ko siya at pinilit kong huwag isipin ang mga taong nakatutok ang mata sa amin.

Saglit akong pumikit. Iminulat ko ang mata ko at pagmulat ko, nakita ko si Taba na nakangiti sa akin.

Si Taba na mahal na mahal ko at patuloy kong mamahalin hanggaʼt buhay ako.

“Alam mo bang ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi dito sa sayawan?” bulong niya saka ako napangiti.

Napangiti ako hindi dahil sa kilig. 'Yon ay dahil sagad na ang pambobolang ginagawa niya.

“Akala mo naman, mahuhulog ako sa mga paganyan-ganyan mo.” bulong ko pabalik, “Kung nakaayos ako ngayon baka maniwala ako pero tingnan mo naman, ang gaganda ng mga suot nila.”

Tinawanan niya lang ako saka siya muling bumulong.

“Pandak, magkaiba ang maganda ang suot sa natural na maganda.” sambit niya. “Maganda ang suot nila, pero ikaw? Ikaw mismo 'yong maganda.”

Tinapik ko naman siya kaagad kaya mas lalo siyang natawa.

“Tumigil ka nga. Ang corny mo.” kunwari ay naiinis ako kahit ang totoo, walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ngayon.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now