22

24 6 0
                                    

Madaling lumipas ang araw. Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang gabing 'yon, pero sariwa pa rin sa isip ko ang sinabi niya.

Umaasa akong maipapakilala niya talaga ako sa Mama niya pero minsan, napapaisip ako.

What if, hindi niya ako gusto para sa anak niya? What if, mas prefer niya ang kaedad ni Taba? What if, mas gusto niya pa rin si Panly para sa kanya?

“Bro, 'yong cupcake!” natinag ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Stanley, “Ilang minuto na bang nakasalang sa oven 'yong cupcake? Nabilang mo ba?”

Wala sa sarili akong napatingin sa phone. Fifteen to twenty minutes ang oras ng pagsalang sa cupcake.

“Ten minutes pa lang.” tipid kong sagot, “Ihahain na ba natin kapag fifteen minutes na o hanggang twenty minutes na natin para sure?”

Tumawa naman si Stanley kaya napakunot ang noo ko.

 “May iniisip ka ba, Bro?” tanong niya kaya naman kaagad akong napailing.

“Bakit mo naman natanong 'yan? Mukha ba akong may problema?” tanong ko pabalik.

“Konti.” saka sumeryoso ang mukha niya, “Parang distracted ka magmula pa kanina noʼng nagsimula tayong mag-bake.”

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya.

“Bro, sorry. May gumugulo lang sa isip ko pero huwag kang mag-alala. Hindi masasayang ang oras mo. Gagawin ko ang best ko para masunod ang instructions. Susubukan kong alalahanin.” pilit akong ngumiti.

Nagsimula na akong ihanda ang mga ingredients para sa paggawa ng icing. Natigilan lang ako ng hawakan ako ni Stanley sa braso.

“Bro, kahit bihira na lang tayong magkasama ng ganito, alam na alam ko pa rin ang galawan mo.” paliwanag niya, “Gaya ng sabi ko saʼyo, ikaw pa rin ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Para na kitang kapatid. Ayokong nakikita kang ganyan.”

Hindi ako kumibo at napayuko na lang.

“Wala ka na bang tiwala saʼkin? Hindi na ba ako mahalaga saʼyo?” tanong niya kaya naman kaagad akong nainis.

“Saan mo naman napulot ang ganyang ideya? Baliw ka ba?” sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako, “Huwag kang tumawa, Bro. Para kang timang diyan.”

Ginulo niya ang buhok ko kagaya ng lagi niyang ginagawa. Tinapik ko naman ang kamay niya.

“Ikaw, ha? Nagiging sadista ka na.” pang-aasar niya, “Sabihin mo na kasi saʼkin.”

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Tumingin naman ako sa kanya ng diretso at nakita kong inaabangan niya ang sasabihin ko.

“Kasi—” bumuntong-hininga ako saka muling nagpatuloy, “Iniisip ko lang, Bro, ano kayang magiging reaction ng Mama ni Taba kapag nakilala niya ako? Magugustuhan niya kaya ako para sa anak niya?”

Napatapik na lang si Stanley sa noo.

“Naku naman, Bro! Pinag-alala mo pa ako.” natatawa niyang sabi, “Akala ko, nag-away kayo o ano.”

“Kasi naman, mas matanda ako ng three years sa kanya. Paano kung ayaw ng Mama niya ng mas matanda?” nag-aalala kong tanong.

Nginitian naman ako ni Stanley.

“Kilala ko ang Mama ni Taba, Bro. Hindi naman 'yon mapili sa babae. Basta mahal ng anak niya, automatic 'yon na approve sa kanya.” kinurot niya ang pisngi ko kaya naman tinapik ko ang kamay niya.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin pero tawa lang ang iginanti niya.

“Kaya huwag ka ng mag-overthink. Mabait si Tita Grace. Proven and tested.” muli niyang turan saka siya nagbati ng itlog.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now