20

25 5 0
                                    

That was the happiest New Year in my entire life. Hindi man ganoʼn ka-engrande, wala man akong natanggap na regalo o kung ano pa man, masaya ako dahil kasama ko siya. Hindi man literal na kasama, pero ramdam ko naman ang presensya niya.

Iyon ang bagong taon na hinding-hindi ko makakalimutan.

“Lutang ka na naman.” natatawang banggit ni Chin kaya kaagad naman akong natauhan, “Ano na naman bang iniisip mo diyan? Si Gian na naman?”

Sinamaan ko naman siya ng tingin habang pinagmamasdan sila ni Kuya Mj na maglambingan sa harapan ko.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sila na. I mean, alam ko naman na may feelings sila sa isaʼt-isa pero hindi ko naman akalaing hindi na sila dumaan sa ligawan stage.

Napailing na lang ako sa mga pinag-iisip ko.

Sabagay, bago naman sila humantong sa aminan moment, ilang beses ring itinaboy ni Chin si Kuya Mj. Deserve naman ni Kuya Mj na sagutin siya ni Chin sa lahat ng efforts niya noon.

“Sayang, noh? Hindi nakasama si Andeng. Baʼt ba kasi ang higpit ng Mama noʼn?” napatingin naman ako kay Kuya Mj ng bigla siyang magsalita.

“Ganoʼn lang talaga ang Mama niya. Syempre, nag-iisang babae si Andeng kaya nag-iingat lang sila.” matamlay ko namang sagot.

Bigla namang umubo si Chin kaya naman napatingin kami sa kanya. Natawa na lang ako ng mahalata kong sinadya niya 'yon para matigil ang usapan namin.

“Kung si Andeng lang naman pala ang hinahanap mo, edi sana hindi na kami nagpunta pa ni Kie. Nagsasayang lang kami ng oras dito.” nakabusangot siyang sabi at kaagad naman siyang sinuyo ni Kuya Mj.

“Babe naman, natanong ko lang kasi naman nakakaawa si Andeng. Hindi siya palaging nakakasama sa mga lakad natin. Syempre, kaibigan rin naman natin 'yon.” pagdepensa naman ni Kuya Mj.

Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan siya na suyuin si Chin.

“Naaawa ka pala, edi puntahan mo. Ipaalam mo sa magulang ng makasama saʼtin. Namimiss mo na yata si Andeng, eh.” halos mamula na si Chin sa inis kaya naman nagpigil na ako ng tawa.

Baka mamaya, madamay pa ako sa away ng dalawa.

“Babe naman. Tayo na ngaʼt lahat lahat, pinagseselosan mo pa rin si Andeng?” napa-face palm na lang si Kuya dahil sa frustration, “Sorry na please. Sige na, hindi ko na siya babanggitin. Huwag ka ng magalit saʼkin. Bihira na nga lang tayo magkasama, aawayin mo pa ako.”

Kumalma naman si Chin saka ngumuso. Parang sinasabi niya na i-kiss siya ni Kuya Mj.

“Ikaw talaga. Halik lang pala ang gusto mo, idinaan mo pa sa tampo.” nakangiting sabi ni Kuya at akma na sanang hahalikan si Chin, pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

“Hoy! Talaga bang dito kayo maghahalikan sa harapan ko? Hindi ba kayo nahihiya?” seryoso kong tanong pero tinawanan lang ako ni Chin.

Binitawan ko naman na ang braso ni Kuya Mj at taka silang tiningnan.

“Kie, hindi ka na bata. Sigurado naman akong sa tv pa lang, nakakakita ka na ng naghahalikan. Hindi na 'yon bago saʼyo.” turan niya, “Isa pa, naghalikan na rin naman kayo ni Gian—”

“Tumigil ka nga!” kaagad ko namang pinutol ang sinasabi niya matapos niyang banggitin si Taba.

Nakita ko pa tuloy ang mapang-asar na tingin ni Kuya.

“Ikaw, ha? Hindi ka man lang nagsabing naghalikan na pala kayo ni Gian.” pang-aasar ni Kuya pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Hindi ko talaga alam kung bakit sa aming magbabarkada, ako palagi ang pinapaulanan nila ng pang-aasar.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now