34

6 3 0
                                    

“Ano?!” halos magkiskisan ang ngipin ni Taba dahil sa inis.

Maging ako man, napantig ang tenga dahil sa narinig. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit kay Chin dahil nasabi niya ang bagay na 'yon.

Nitong mga nakaraan, hindi ko siya maintindihan. Hindi naman siya ang nasaktan ni Taba pero siya 'tong affected masyado. Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya dahil imbes maayos kami, mas makakasira lang 'yon sa relasyon namin.

“Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?” kalmadong tanong ni Chin sa kanya. “Alam mo, Gian, noʼng una naman ayos ka saʼkin pero ewan ko ba, habang tumatagal nagiging loko-loko ka na rin.”

“Ano bang pinagsasasabi mo? Kung makapagsalita ka naman parang ang dami mong alam sa relasyon namin. Masyado kang epal na h yop ka!” dinuro niya pa si Chin pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

Hindi siya paawat. Tinabig niya ang kamay ko at maging saʼkin, mukhang galit rin siya.

“Ako pa talaga ang h yop dito?” gatong naman ni Chin. “Kung may mas h yop saʼtin, ikaw 'yon! Palibhasa, wala kang idea na gabi-gabi umiiyak si Kie dahil saʼyo! Wala kang alam sa nararamdaman ng best friend ko dahil kapag sinusubukan niyang sabihin, hindi ka nakikinig!”

Natahimik ang lahat. Naramdaman kong ibinaling saʼkin ni Taba ang tingin niya pero nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin o sabihin.

Pakiramdam ko, galit saʼkin si Taba ngayon.

“Kie, ano? Magsalita ka! Sabihin mo sa g gong 'yan ang mga pinaggagagawa niya! Chance mo na para sabihin ang mga hindi mo magawang masabi!”

Napaangat ang tingin ko at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Kabaglitaran naman ang mukha ni Taba. Ramdam ko ang magkahalong galit at inis.

Dapat ko bang sabihin ang totoong nararamdaman ko? O dapat bang hayaan ko na lang dahil baka mawala rin 'to kalaunan?

“Tama na, Chin. Huwag niyo ng palakihin ang away niyo ni Taba. Nandito tayo para magsaya. Ayokong maging disaster ang swimming na 'to ng dahil na naman saʼkin,” isang mahabang paliwanag ang sinabi ko pero tila ba mas lumala lang ang tensyon sa pagitan nila.

Alam kong marami pa silang gustong sabihin. Ramdam ko na gusto pa ni Chin na magsalita pero pinangunahan na siya ni Andeng.

“Tama si Kie. Kung ano man ang issue niyo, pwede bang i-set aside niyo na muna?” pag-awat niya sa dalawa, “Kahit para sa barkada na lang.”

Hindi sila nagsalita. Naglabanan pa sila ng tingin pero unang umiwas si Taba. Pagkatapos noʼn ay narinig ko ang mahihina niyang buga ng hangin.

“Doʼn muna ako sa may pool. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin,” wala sa sariling sabi ni Taba at pagkatapos ay iniwan niya kami doon.

Balak ko sanang sundan siya kaso bago ko pa magawa 'yon, nahawakan na ako ni Chin sa braso. Makahulugang tingin ang ibinigay niya at kahit wala siyang sinasabi, alam ko ang ibig sabihin noʼn.

Pumunta kami sa parte ng resort kung saan wala masyadong dumadaan. Si Stanley naman, naiwan sa cottage kasama si Kuya Mj. Muli namang lumusong sa pool si Andeng at Hiro samantalang si Taba, nanatili lang na nakaupo sa gilid. Mukhang malalim ang iniisip.

“Bakit hindi mo sinabi kay Gian?” iyon kaagad ang ibinungad ni Chin matapos naming makarating sa tagong parte ng resort.

Nakayuko lang ako dahil ayokong kausapin siya. Kung hindi niya nga lang ako sapilitan na hinila papunta rito, hindi talaga ako sasama.

Inaway niya si Taba at malamang sa mga oras na 'to, galit na 'yon saʼkin. Kababati nga lang namin tapos mag-aaway na naman kami.

“Hindi ka man lang ba magsasalita? Wala ka bang naririnig?” muli niyang tanong.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now