45

10 3 0
                                    

Napaisip ako sa sinabing 'yon ni Chester that time. Siguro ilang araw din akong hindi nakatulog kakaisip ng sinabi niya.

Tama naman siya. Alam ko naman talaga ang sagot. Since then, it was always Gian. Hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na matagal niya na akong iniwan at ipinagpalit sa iba but somehow, nakakaramdam ako ng pagkainis sa sarili ko. Alam ko na rin naman sa sarili ko na hindi na siya babalik, e. Alam kong wala na talagang pag-asa pero, kahit pigilan ko I still end up loving him again.

Naghihintay pa rin ako kahit walang kasiguraduhan kung babalik siya. Minsan, iniisip ko na lang na kung kami talaga para sa isaʼt-isa, babalik siya. Kahit gaano man katagal abutin, kung para sa akin, sa akin.

“Kie!” my mind went back into my senses when I heard Chesterʼs voice. Heʼs walking towards me at kahit malayo, tanaw na tanaw ko ang abot-tenga niyang ngiti. Kinakawayan niya rin ako na para bang isang taon kaming hindi nagkita. “Kanina pa kita hinihintay. Hindi mo kasama si Chin at Andreia?” tanong niya ng makitang ako lang mag-isa kaya naman kaagad akong umiling.

Sa almost two years na friendship namin ni Chester, naging kaibigan niya na rin sila Chin. Chin and Andeng were so glad ng makilala siya. Gusto raw talaga nilang makilala si Chester dahil nga doʼn sa incident na nalunod ako. Mabuti na lang at mabilis silang nagkakuhaan ng loob. Sa sobrang close nila, minsan magkasabwat pa silang tatlo sa pang-aasar saʼkin.

“Chin and Andeng told me na they will celebrate Christmas with their family, as always. Sanay na ako sa dalawang 'yon,” wala sa sarili kong sabi saka ako naupo sa bar counter. Tumabi naman si Chester sa katabing upuan noʼn.

“Malay mo next year, kasama mo na ang pamilya mong magpasko,” turan niya.

Napakibit-balikat na lang ako at nag-order ng margarita. Magaan na inumin lang ang iinumin ko ngayon dahil may trabaho pa ako bukas. Ang sakit kaya sa ulo magtrabaho ng hindi pa nakakapag-hang over.

“Kie,” pagtawag ulit saʼkin ni Chester kaya napakunot ang noo ko.

“Mr. John Chester Lopez. Imbes na kulitin mo ako rito, pumunta ka na kaya ng back stage at maghanda na, okay?” inis kong sabi saka muling nag-order ng margarita.

Tinawanan niya lang ako saka siya nagpaalam saʼkin para nga sa performance nila tonight. I just nodded at nagbiro pa akong mabuti kasi nakakasawang tingnan ang pagmumukha niya. Sanay na rin naman siya sa mga pinagsasabi ko, sa araw-araw ba namang nagkakasama kami.

I ordered a drink again. Habang iniinom ko 'yon, sumasagi sa isip ko si Gian. Lagi namang siya, kailan naman naging hindi?

Ang bilis lang lumipas ng panahon, e. Parang kailan lang ang lahat. Tapos ngayon wala man lang akong kamalay-malay na four years na ang nakalipas magmula noʼng umalis si Taba. Itʼs been four years but nothing changed, siya pa rin.

“Good Evening, everybody!” nagsimulang magsalita si Chester na ngayon ay nasa stage na. Heʼs with his bandmates.

As always, nang magsalita siya panay ang hiyawan ng mga nasa bar. Nakapag-launch na rin sila ng album finally at nag-click agad ang kanta nilang 'yon. Kaliwaʼt kanan nga ang sched nila pero nakakatuwa na kahit pa sobrang successful na ng career nila, they still chose to stay here.

Kahit daw dumating sa puntong mamili sila between Upbeat Records or Bar ni Clark, pipiliin pa rin nilang mag-stay dito sa bar. Masyado na raw silang napamahal sa bar na 'to at dito rin sila nagsimula.

Wala tuloy katapusan ang blessings nila kasi their feet is always on the ground. They really deserve their achievements.

“I want to greet everyone a Merry Christmas! I hope youʼre enjoying our drinks here,” pabiro niyang sabi sa mga audiences na wala pa ring tigil sa kasisigaw. “Iʼm so glad that after all these years, all of you guys, never changed. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam pa rin namin ang suporta niyo.”

24th of DecemberWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu