Chapter 1

681 23 1
                                    

Napabangon ako nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto sa baba, kumunot ang noo ko at sinilip si Andre na tahimik na natutlog sa tabi ko, dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto.

Gulat akong napatalon ng biglang kumidlat at kumulog kasabay noon ang pagkabasag ng mga plato mula sa kusina, kinakabahan ako habang mabilis na naglalakad pababa.

 "Oh my g---" halos pasigaw kong sabi ngunit kaagad naputol nang may nagtakip sa bibig ko, nanlaban ako at pilit na kumawala sa kaniya pero hindi niya ako binitawan. Huminga ako ng malalim bago madiin na kinagat ang kamay niyang nasa bibig ko kaya nabitawan niya ako, nang makawala ako ay kaagd kong dinampot ang tambo na nakakalat at humarap sa kaniya.

"Sino ka?, anong ginagawa niyo sa bahay namin" galit kong tanong sa kaniya, tinignan niya lang ako nang masama bago tuluyang nawala sa harapan ko. Mabilis ko siyang sinundan ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi lang siya ang andito sa bahay namin.

Tatlo silang lalake at may kalaban silang isang.. oh my god! ano ang nilalang na iyan? 

Para itong toro ngunit ang kalahati neto ay sa tao, half toro half tao. Napaatras ako at nanlaki ang mga mata ng makita ang isang toro na pasugod sa lalaking kinaagat ko.

"Sa likod mo!" malakas kong sigaw at nakuha niya naman kaagad iyon pero napunta namans a akin ang atensyon ng toro at naglakad ito palapit sa akin bitbit ang malaki niyang palakol. Nakaawang ang labi ko habang kinakabahan na nakatingin sa nanlilisik at pula niyang mata.

"Huwag kang lalapit sa akin!" sigaw ko sa kaniya at hinagis ang tambo na hawak ko pero walang effect iyon dahil hindi naman siya nasaktan,  napaupo nalang ako at pumikit tsaka nagdasal na sana totoo si batman at iligtas niya ako sa mga nilalang na ito.

Ilang minuto ang lumipas at natahimik ang paligid, minulat ko ang mga mata ko at kaagad na tumayo.. Iinilibot ko ang mga mata ko sa sirang bahay namin. Ano ba kasing nangyayari huhu.. tsaka nasaan iyong tatlo?

Nasagot ang tanong ko nang pumasok ang hinahanap kong mga lalake, duguan sila at napakaraming sugat. Kaagad akong lumapit sa kanila kahit na natatakot ako sa kanila.

"Ano ang nilalang na iyon?" tanong ko sa kanila pero wala ni isa sa kanila ang sumagot, tinignan lang nila ako bago naupo sa sira-sirang sofa namin. 

Nag-iwas nalang ako ng tingin at tinuon ang pansin sa lalakeng nasa gitna. Masyado itong seryoso kumpara sa dalawang kasama, nakakatakot din ang aura neto.

"Nandito kame para sunduin ka" biglang sabi ng isa na may kulay asul na mata, kung titignan mopa itong maigi ay para itong langit na maraming ulap.

Hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik habang inaabsorb ang mga pangyayari. Bumuntong hininga ako at naupo sa lapag.

"Sino ba kayo?bakit niyo ako susunduin" tanong ko sa kanila habang nakatungo pa din.

"Connected ba kayo kay Sir Hernandez" iyon nalang ang naitanong ko, nagtinginan ang dalawa sa kanila at sabay na tumango habang ang isa ay nanatiling naka pikit. Halatang pagod.

Napalunok ako, nakakatakot talaga ang isang ito.

"Kung mananatili kapa sa mundong ito, bukas ay patay kana" makahulugang sabi ng isang nasa gitna na nakapag bigay ng matinding takot sa akin.. ano ba ang sinasabi nila... bakit ba nila sinabi na mamamatay ako kapag hindi ako sumama sa kanila.

"Hindi pa rin ang sago-- wala ng oras mag bata! kailangan niyo na umalis. Joshia ipapaliwanag ko sa iyo pag nakabalik na kayo" 

Sabay-sabay kameng napatingin kay Dean na humahangos, may mag sugat din ito sa katawan at sira ang mag damit. Ano ba ang nangyayari..

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now