Chapter 40

200 12 0
                                    

"Ang ganda talaga.." nakangiting sabi ko habang naglalakad pabalik sa palasyo.

Hawak ko ngayon ang ginawa kong bracelet, ginto na ito ngayon na may nakakurbang mga bulaklak.

Actually gawa talaga siya sa mga fresh na bulaklak, nagulat nalang ako kanina nang magbago ang anyo neto at naging ginto na. Manipis lang ginawa kong bracelet, feeling ko kasi ang panget kapag makapal lalo na at sa lalake ko ibibigay.

Pagbalik ko sa palasyo ay dumeretso ako sa kwarto ni Blaze, kakatok na sana ako ngunit narinig ko siyang nagsalita mula sa likuran ko.

"Anong Problema Charizel" aniya habang sinusulyapan ang hawak kong bracelet.

Malaki ang ngiti ko habang naglalakad sa kaniya.. pinakita ko ang bracelet at kinuha ang kamay niya, hindi naman siya umangal.

"Thank you gift!" Sabi ko.

Seryoso niya akong tinignan pagkatapos ay ang bracelet.. inikot-ikot niya pa ito na parang hindi makapaniwala.

"Kailan kapa natutong gumawa neto?" Tanong niya.

"Hmmm tinuruan ako nung mga dwarfs.. madali lang pala" sabi ko.. napaatras ako nang tignan niya ako ng masama.

"Nakipag laro ka nanaman sa mga Dwarfs?" Tanong niya sa isang seryosong boses.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin.. kinakabahan kasi ako na baka parusahan niya ako.

"Free time naman nila! Hindi naman ako nang abala"  sagot ko at tinalikuran na siya.

Hindi naman siya nagsalita kaya tumalikod na ako at naglayo palayo sa kaniya. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin kaya hindi ko nadin siya nilingon.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng garden ni Reed, binuksan ko ang gate neto ng dahan-dahan tsaka pumasok.

"Hindi kana natatakot kay Pillar ha" aniya sa isang maliit na boses.

Umiling ako.. hindi nanga dahil hindi naman niya ako kakainin sabi niya. Tsaka gusto ko laging pumunta dito dahil ang tahimik at napaka ganda ng lugar.

"Blaze ano ang bunga na iyon" tanong ko nang mapansin ulit ang naiibang puno.

Sinundan naman niya ng tingin ang tinuturo ko, lumapit siya doon kaya sumunod ako.

"Hmmm hindi mo naalala?" Tanong niya, mabilis akong umiling.

"Ito ang bato sa kwintas na ibinigay ni Isabelle sa iyo.. ang bata mo pa pero makakalimutin ka na" aniya at mahinang hinataw ang noo ko.

Tinignan ko siya ng masama.

"Ikaw nga 300 years ng buhay pero.." sabi ko, tumigil ako ng walang maisip na isusunod.

"Ano?" Aniya at ngumisi.

Umiling ako.. "Wala!" Sigaw ko at pinagmasdan ng muli ang mga bato.

Kung hindi ako nagkakamali ay ang mga batong ito ang ginamit ko nung nagkagulo sa Academy.

"Ibabalik neto ang lahat sa dati"

Naalala ko ang sinabi niya sa akin.. iyon pala ang tinutukoy niya.. ang pangyayari na lubos kong pagsisisihan.

Kamusta na kaya sila? Naaalala pa kaya nila ako? Nasasabik pa kaya sila sa pagbabalik ko?

"Blaze makakabalik paba ako" wala sa sariling tanong ko.

Bumuntong hininga siya at ngumiti.

"Gusto mo talagang makabalik?" Tanong niya.

Nagtataka man sa tanong niya at mabilis akong tumango. "Andon ang buhay ko...nangako akong babalik ako sa kanila" wala sa sariling sabi ko.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now