Chapter 46

196 11 0
                                    

ASH POV

Pinilit kong makawala mula sa pagkakahawak ng mga kalaban.. kanina pa kame nanonood dito sa mga pangyayari...

Napatingin ako kay Railey na ngayon ay nahihirapan na, pinagmasdan ko siya na naluluha na dahil sa mahigpit na pagkakagapos niya.  Ikinuyom ko ang kamao ko, hindi pwedeng dito nalang kame matapos.

Napatingin ako kay Clara na walang malay at kay Joshia na Binabalot na ng maitim na usok.

Alam ko ang usok na iyon.. ang kamatayan..

"Elijah" mahinang bulong ko kay Elijah na nanghihina nadin, kanina pa siya nakikipag laban kaya alam kong pagod na pagod na siya ngayon..

Tinignan ko ang mga magulang namin na punong-puno ng sugat. Nagtama ang mata namin ng mama at papa ko, halatang nahihirapan na sila pero nagawa pa nila akong ngitian para ipaalam na magiging okay din ang lahat.

Kaagad akong napatingin kay Joshia na unti-unting nagliliwanag. Maliit akong ngumiti.

"Oras na. Lian, Elijah, Railey!" Tawag ko sa kanilang tatlo at ginawa na ang plano namin.

Bago mag-umpiss ang kasiyahan ay naramdaman ko ng may kakaiba.. ilang beses ko silang nakita.. lalo lang lumakas ang hinala ko ng sabihin ni Joshia na nakita niya si Andrea.

Naggawa kame ng plano, plano na magagawa lang namin kapag nagising na ang totoong lakas ni Joshia. Ito na ang hinahantay namin.

Nang matalo ang mga kalaban na nakakapit sa amin ay kaagad kong nilapitan ang mga magulang namin.. kaagad kong kinalaban ang mga halimaw na humarang sa amin at nang matapos ay kaagad kong pinakawlaan ang mga magulang namin.

"Ma.. pumunta kayo sa loob ng palasyo. Andoon si Galena.. hinahantay nila kayo" bulong ko sa kaniya.

Alam kong hindi sila papayag kaya nginitian ko sila.. ngiti na nagsasabing tapos na ang laban.

Nang makaalis sila ay dahan-dahan kameng naglakad palapit sa walang malay na si Calix at God Blaze.

Kasama sa plano ang pagpunta ni Calix sa Cr pero hindi kasali ang magpahuli siya.. napailing nalang ako habang tinatanggal ang gapos nilang dalawa.

Binuhat sila ni Railey at Eiljah hanggang sa madala namin sila sa Safe place na ginawa namin, isa itong illusion na ginawa God Cascade kanina. Sinabi niyang dalhin dito ang dalawa kapag nakuha namin.

"Oras na" nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Joshia na gising na, wala na ang nakabalot na maitim na usok sa kaniya ay napalitan na iyon ng maputing usok.

Tama nga ang hinala ko.. anak niya niya si Joshia.

--

JOSHIA'S POV

Ramdam na ramdam ko ang malakas na enerhiya na gustong makawala sa aking katawan, pinagmasdan ko si Black at Violet na ngayon ay mas lalong lumaki. Kumatal din ang mga balat  nila at nagkaroon ng nga asul na marka hudyat na isa na silang hari at reyna, ang black at violet kanina ay mga prinsesa at prisipe palang kaya hindi nila napatay si Nisha pero ngayon sigurado na akong katapusan na niya.

Tinignan ko ang paligid ko.. mariin akong pumikit at pagmulat ng mata ko ay ang pagtama ng malakas na kidlat sa katawan ni Nisha.

Hindi siya napatumba niyon pero alam kong may epekto iyon sa kaniya.

"Joshia Oras na" sabi sa akin ni Septhis, mabilis akong tumayo at pinasugod ang dalawa kong dragon kay Nisha.

Isang buga ni Black ay hindi tumalab kay Nisha ngunit ng nagsabay ang dalawa ay tuluyan na itong nawalan ng malay.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now