Chapter 44

196 10 0
                                    

Naalimpungatan ako nang may kumatok ng malakas sa pintuan ko, ano ba naman! kakagawa nga lang niyan tapos may nagbabalak nanamang sumira. Nakakainis ha!

"Lady Joshia, pinadala kame dito ni God Reed upang ayusan ka" rinig kong sigaw mula sa labas, kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit na iyon ni Reed kanina. Mahina akong bumuntong hininga bago tumayo.

Inayos ko ang buhok ko bago tuluyang tumayo upang buksan ang pintuan. 

Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang limang sirena, umawang ang mga labi ko.. hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"P-pasok kayo" nahihiyang sabi ko habang pinagmamasdan ang magaganda nilang muka..

Hindi talaga maikakaila na napaka ganda ng mga sirena, mula sa mga katawan nila hanggang sa hugis ng mga muka nila. Kaya nga nainlove si Railey kay Ash. Speaking of them, nasaan ba sila?

"Ang Phoenix, nasaan sila?" tanong ko sa mga sirenang busy na inilalapag ang mga gamit na dala nila, pero mas napunta ang atensyon ko sa inilalapag na long gown ng isa sa kanila. Kulay Blue ito na kumukupas ang kulay hanggang sa hulihan neto. May mga kumikinang din na mga diamante ang nakalagay dito.

"Inaayusan na din sila.. Lady Joshia kailangan mo ng maligo" sabi ng isa kaya mabilis akong tumango. Pumasok ako sa loob ng CR at saglit na naligo bago lumabas. Paglabas ko ay sinuotan nila ako ng Roba bago pinaupo sa harap ng isang malaking salamin.

"Mukang hindi mo na kailangan ng make up, lipstick na lamang at buhok ang aayusin namin. Masyado kanang maganda" aniya at mahinang natawa, nahihiya naman akong tumingin sa kaniya. Ano ba naman iyan! pakiramdam ko tuloy ay namumula ako ngayon.

Nag-umpisa ang iba sa kanila sa buhok ko, may ipinahid sila doon na kung ano kaya natural na nag goglow ito, maya-maya ay kumumpas ang kamay nila at kusang umikot ang dulo ng buhok ko.

Ilang minuto lang ang itinagal ng pag-aayos nila sa akin, pagkatapos non ay isinuot na nila sa akin ang Gown ko kaya lumaki ang ngiti ko. Mabigat ang gown ngunit napaka ganda neto. Hindi maikakailang pinaghandaan ni Reed ang isusuot ko.

Pagkatapos ay iniwanan na nila ako, ang sabi nila ay may susundo sa akin dito kaya hantayin kona lamang. Habang naghihintay ay tumapat ako sa salamin, pinagmasdan ko ang muka ko at ang kasuotan ko, pasimple akong ngumiti.

"Ako ba talaga ito? anong magic ba ang mayroon sa kamay nila at nagawa nilang pagandahin ako ng ganito" natatawang tanong ko sa sarili habang nakatitig padin sa sarili ko.

Kaagad akong napatingin sa pintuan nang bumukas ito, napaawang ang labi ko ng makita si Blaze na seryosong nakatingin sa akin. Nakasuot siya ng blue na tuxedo na may puting neck tie. Napatingin ako sa suot niya pagkatapos ay sa suot ko, mahina akong natawa.

"Manggagaya kaba?" natatawang tanong ko kaya kunot ang noo niya akong tinignan maya-maya ay napangiti.

"Galing kay Reed ang suot ko" aniya at iniabot ang kamay niya sa akin, nakangiti ko naman iyong tinanggap at inalalayan na niya ako palabas.

Kameng dalawa nalang ang nandito sa taas, sa baba kasi ang venue ng kasiyahan kaya marahil ay nandoon na sila.

Habang naglalakad pababa ay panay ang tingin ko sa paligid, may ilang mga mata pa akong nakasalubong pero hindi kona iyon pinansin. Napangitii ako nang makita ang mga kaibigan ko, nasa unahang lamesa sila. Mahina akong natawa ng makita ang nakasimangot na si Calix, ang guwapo niya sa suot na Puting tuxedo.

"Pwede bang pumunta muna ako sa kanila?" tanong ko kay Blaze.

Sandali siyang nag-isip. "Hindi, nakalimutan mona bang sinabi ni Reed na hindi ka pwedeng lumayo sa amin. Mamaya nalang kapag nag-umpisa na, itatakas kita" seryoso niyang sabi bago ako hilahin palapit kela Reed na nasa unahan. Wala naman akong nagawa kaya hindi na ako umangal.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now