Chapter 35

240 13 0
                                    

RAILEY POV

"Wala si Joshia sa kwarto niya" biglang sabi ni Ash na kakalabas lang mula sa kwarto ni Joshia para gisingin siya, nagkatinginan kameng apat at sabay-sabay na napatingin kay Calix ng bigla itong tumayo at tumakbo palabas, hindi kame nag aksaya ng oras at kaagad namin siyang sinundan.

Sabay-sabay kameng napatigil nila Clara ng makitang nakatigil lang si Calix habang nakatingin sa tuktok ng burol, sinundan ko nang tingin ang tinitignan ni Joshia. Kaagad na umawang ang labi ko ng makitang andoon si Joshia na may kausap na isang babae.

"Manonood lang ba tayo?" Tanong ni Ash at naglakad nang dahan-dahan papunta sa malapit na parte ng burol kung saan maaari naming marinig ang pinag-uusapan nila.

Nang makalapit ay kaagad na nanlaki ang mata ko, bakit niya kausap ang babaeng iyon? Tumayo ako at akmang lalapit sa dalawa ngunit  kaagad akong pinigilan ni Calix at umiling, tumango nalang ako bilang sagot at naging mas alisto sa paligid.

"Bakit mo nagawa sa akin iyon? Tinuring moba talaga akong kaibigan" tanong ni Joshia kaya napunta sa kaniya ang atensyon naming lahat.

"Oo CJ, tinuring kitang kaibigan kaya nga hindi ko matuloy kahit buhay kopa ang kapalit kapag hindi kita napatay"

"Hindi ako naniniwala sa iyo, nasaktan mona ako. Hindi monga ako napatay pero para mona ring napatay ang puso ko. Kapatid ang turing ko sayo, buong buhay ko pinagkatiwalaan kita, mahal na mahal kita Andre"

"WAG KANG UMIYAK ANDRE DAHIL SA ATING DALAWA AKO LANG ANG MAY KARAPATANG MASAKTAN, SINAKTAN MO AKO! S-sinaktan mo ako"

"Alam kong galit ka, patawarin mo ako" 

"Hindi, hindi mo deserve ang patawarin pagkatapos ng ginawa mo sa akin. Sana... Sana hindi nalang kita nakilala"

"Ibinuwis ko ang buhay ko para maingatan ka... Iningatan kita.." mahinang sabi ni Joshia bago tuluyang napaupo at umiyak.

Hindi ko manlang namalayan na umiiyak na din pala ako, tinignan ko ang mga kasama ko at ganon din sila bukod kay calix na seryosong nakatingin lang kay Joshia.. Alam kong nasasaktan din sila para kay Joshia..

Bumuntong hininga ako at iniwas ang tingin sa dalawa, naaawa ako sa kanilang dalawa.

JOSHIA'S POV

Natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman na may nanonood sa amin, maging si Andre ay naramdaman iyon dahil bumakas ang takot sa mga muka niya.

Bumuntong hininga ako at pinahiran ang mga luha na kumalat sa pisnge ko, sinundan pa nila talaga ako. Naiintindihan ko naman sila, nag-aaalala sila sa akin.

"Hanggang dito na lamang, anjan na ang mga kasama mo." Bigla niyang sabi.

"Bakit mo ako pinapunta dito, gusto mo akong patayin?" Malakas ang loob na tanong ko at ngumisi kaya natigilan siya, hindi inaasahan na ganoon ang itatanong ko.

Marahan siyang umiling " Buhay mo kapalit ng buhay ko, buhay ko kapalit ng buhay mo. Nais lang kitang balaan na balak sugudin nila Ama ang paaralan niyo bukas. Alam kong may Idea kana kung sino ka talaga kaya sana ay mag-iingat ka" Aniya at seryoso akong tinignan.

"hasta que nos veamos de nuevo"  ang huli niyang sinabi bago tuluyang nawala sa paningin ko.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang lumapit sa kanila, nang makaharap kona sila ay pare-parehas silang nag-iwas ng tingin bukod kay Calix na nakatitig lang sa akin. Ngumiti ako sa kanila.

"Narinig niyo?" tanong ko, sabay-sabay naman silang tumango kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko talaga magawang magalit sa kanila hays.

Hindi na ako nagsalita at niyaya na silang maglakad, habang naglalakad ay panay ang tingin sa akin ni Calix kaya nginitian ko siya. Alam kong nag-aalala siya sa akin.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon