Chapter 31

218 12 1
                                    

Pagkatapos ibigay sa amin ni Master Zeus ang mga kailangan namin ay pinaalis na niya kame. Sinabi niya na mahabang paglalakbay ang gagawin namin kaya madami kameng dala. Para kameng mag cacamping. Sinabi din niya na maihahatid lang kame nila Titus hanggang sa bungad kaya mula doon ay kailangan namin maglakad.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba. Nakahawak ngayon sa akin si Ash at Clara, pinapagitnaan nila ako habang ang mga lalake ay nakapalibot sa amin na akala mong pinoprotektahan kame.

"Maging mapag matsag kayo sa paligid" sabi ni Calix sa amin, tumingin pa ito sa akin bago tuluyang bumalik sa unahan katabi ni Elijah.

Sila kasing dalawa ang nangunguna sa paglalakad habang hawak naman ni Lian at Vladi ang Mapa na ibinigay ni Master Zeus.

"Ang sakit na ng paa ko!" Reklamo ko ng medyo tumagal na kame sa paglalakad.

Tinignan nila ako ng masama, ano bang problema nila? Ako lang ba ang napapagod dito? Ni water break nga wala kame.

"Sumama kapa kasi, tapos ngayon nagrereklamo" singhal ni Calix sa akin kaya tinignan ko siya ng masama.

Aba walanghiyang prinsipe, talagang sinisigawan niya pa ako? Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si Elijah.

"Magpahinga muna tayo" aniya at umupo sa isang batong malaki, napangiti ako at kaagad na tumabi sa kaniya.

"Yeah, lets do that" pag sang ayon pa ni Vladi kaya mas lalo akong napangiti, sumunod nadin sila Ash na umupo sa tabi ko.

Tinignan ko si Calix na nakasimangot na, ngumisi ako at inirapan siya. Ano ka ngayon ha? Walang Prinsipe Prinsipe dito.

"Minsan kasi maging mabait, baka ayawan ka" pangungutya ni Lian habang nainom ng tubig.

"Baka naniniwala sa kasabihang the more you hate the more you love" dagdag pa ni Elijah at nag apir ang dalawa at tumawa.

Tinignan ko si Calix na nakaupo sa sumunod na bato at hindi pinapansin ang sinasabi ng dalawa, kunot ang noo neto habang may hinahanap sa bag niya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Anong Problema?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"I think naiwan ko ang tubig ko" aniya at naghanap nanaman.

Umiling ako at iniabot sa kaniya at hawak kong tubigan, kunot ang noo niya iyong tinignan pagkatapos ay ako.

"What? Kunin mo na! Wag kang mag-alala hindi kopa nalawayan iyan" sabi ko at kinuha ang kamay niya para ibigay ang tubig.

Mabilis akong tumalikod at bumalik sa pwesto ko, tumaas ang kilay ko ng mapansing nakatingin sila sa akin at mga nakangisi.

"Galawan" ani Ash at tumawa pa.

Aba, ang isdang ito nakikisali pa sa pang-aasar netong mga mokong na ito.

"Galawan mo daw Rai" pagganti ko kaya bigla itong nanahimik at nag-iwas ng tingin. Huli ka Isda! Akala mo ikaw lang marunong ha.

Ilang minuto lang ang itinagal namin para mamahinga at naglakad na ulit. Habang naglalakad ay panay lang ang pag kekwentuhan namin nila Ash para maibsan ang pagkabored, ni hindi nga namin namalayan na nasa bandang gitna na pala kame ng bundok.

Sabay-sabay kameng natumba ng biglang umuga ang lupa at bumuka, kaagad kameng  nag lapit-lapit.

"Ano iyan!" Takot na tanong ni Ash habang nakatingin sa malaking kamay na lumalabas sa lupa.

Napaatras kame, napatingin ako kay Calix nang maramdaman ang pag hawak neto sa kamay ko. Hindi na ako nag reklamo at pinagtuunan nalang ng pansin ang heganteng nasa harap namin.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now