Chapter 10

306 16 1
                                    

"Prince Calix"

"Lord Railey"

"Lord Railian"

Sunod-sunod kong narinig ang mga pangalan ng mga nakakarating na sa tuktok. Hinihingal akong tumigil at tumingin sa paligid. Kung tama ang pagkakatanda ko ay sampu nalang kameng andito sa bundok, madaming nailiminate kanina dahil sa mga patibong. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagtakbo ngunit kaagad ding napatigil ng may humarang saking isang lalake.

Tinignan ko siya ng masama at akmang lalagpasan ngunit kaagad ako netong hinarangan, nanlaki ang mata ko ng umuga ang lupang inaapakan ko kaya kaagad akong tumalon paatras para hindi makaen non.

"Hindi kita hahayaan makasama sa Phoenix, isang baguhan" aniya at tinignan ako ng masama.

Kaagad akong nakaramdam ng kaba "Hindi pwede ang gagawin mo!" sigaw ko sa kaniya. Kahit na kinakabahan na ako ay nagawa ko pang sabihin iyon. Hindi ito ang unang beses sa larong ito na may nag tangka sa akin, mapalad na lamang ako at natatakasan ko sila.

Nabanggit kanina na hindi namin pwedeng kalabanin ang isat-isa, tanging unahan lamang ang gagawin at kung sino ang mahuhuling lumabag ay mapapatawan ng parusa.

"Hindi naman nila malalaman kung sasatan kita, madaling sabihin na nadale ka ng mga patibong" aniya.

Bumuntong hininga ako, makulit ang isang ito. Tumingin ako sa paligid bago nag-isip ng pwedeng gawin. 

"Lady Clara" 

bumuntong hininga ako, mukang andoon na silang apat at ako nalang ang wala, pwede namang hindi nalang ako mauna doon pero may usapan kameng lima na dapat ay mauna kameng lima doon. Ayoko namang hindi tumupad, tinignan ko ang lalake.

"Kung hindi mo ako papadaanin ay mapipilitan ako" matapang kong sabi sa kaniya kaya ngumisi siya, inirapan ko siya at ikinumpas ang kamay ko.

Humangin nang malakas at umulan ng mga tipak ng bato, naaalala ko ang pangyayaring ito. Mga bato, kaagad na nanlaki ang mga ko at kaagad na pinatigil ang pag-ulan ng mga bato. Natatakot akong baka masaktan ko ang isang ito.

"Lady of nature ha" aniya at maya-maya ay umuga nanaman ang lupa, bumuka ito at kaagad na naglabasan ang mga baging mula doon at kaagad itong pumulupot sa mga paa ko.

"Hindi kita sasaktan, mauuna na ako" aniya at tumawa nang malakas bago umalis.

Pinilit kong makawala sa mga baging na naka pulupot sa mga paa ko ngunit kada gagalaw ako ay mas lalo itong humihigpit.

"Stupid asshole" 

Kaagad akong napalingon, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Elijah na nakangisi sa akin. Naglakad ito palapit sa akin at tumigil sa harapan ko.

"Nakalimutan na yata ng kumag na iyon kung sino ka, papunta palang tayo sa exciting part Joshia" aniya at inilabas ang espada mula sa likuran niya. Kaagad akong nakaramdam ng kaba, anong exciting part? papatayin niya ba ako? huhu lord gusto ko lang naman mauna.

"Handa kana ba?" aniya at tumawa nanaman, hindi ako nakasagot dahil sa takot na nararamdaman. Itinaas niya ang espada niya kaya napapikit nalang ako. Naghahantay na may maramdamang sakit  ngunit lumipas ang ilang segundo ay wala akong naramdaman bukod sa pagkawala ng mahigpit na baging sa mga paa ko. Kaagad akong nagmulat ng mga mata at nagtama ang paningin namin ni Elijah.

"Wag kang tumulala tara na! Hinahantay kana nila doon" aniya at mabilis akong hinila.

Nadaanan pa namin yung lalakeng humarang sa akin kanina, nahulog siya sa balon na maraming ahas, Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matutuwa. DESURV.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLDär berättelser lever. Upptäck nu