Chapter 12

304 15 0
                                    

Andito kame ngayon sa Classroom para sa History subject namin, kailangan daw kasi naming umattend dito kung ayaw naming hindi matuloy ang mission namin. Ilang beses na kasi kaming hindi pumasok dito dahil nga sa special training ko, kapag daw hindi pa pumasok e may punishment.

"Hermania have god and goddesses, they have the control on everything. Sila ang namimili kung sino ang makakatanggap ng 5 major elemental control sa bayan ng hermania. The first one is God Cascade, hawak niya ang water, second is Goddess Reed which is nature, Goddess Nieves snow, God Barak for lighning or thunder and lastly ang pinaka bata ay si God Blaze for fire." Paliwanag ng teacher namin, may sinabi pa siyang ibat-ibang pangalan na hindi ko na nasundan dahil sa dami nila, nag halo-halo sa utak ko ang mga pangalan nila.

"Kagaya ng sinabi ko, sila ang 5 major god sa mundong ito, actually 7 sila pero hindi ko muna sinama ang dalawa dahil sa susunod natin sila pag-aaralan, so for now i will give an assignment. You an find it in our library." Dagdag pa niya, nagtanguan naman kame bilang sagot.

Sinabi din niya kahit hindi muna namin gawin iyon dahil nga may mission na kame, ito ang huling subject namin ngayong araw kaya dumretso na kame sa training room namin, tanging Phoenix lamang ang pwedeng gumamit neto.

Sabi nila ay tatlong araw simula ngayon ay ang pag alis namin kaya ang tatlong araw na nalalabi namin ay gagamitin namin sa Special training. Alam nadin ng mga Professor Ang tungkol doon kaya excuse kame sa lahat ng klase.

"Ireready kona ang mga gamit ko para training nalang aatupagin ko" sabi ni Clara at pumasok sa kwarto niya, ganoon din ang ginawa ko.

Kahit na hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong dalhin ay kinuha ko parin ang bag na ibinigay sa amin kanina, kasiya daw dito ang kahit na ano kahit na ang liit neto. Para pala itong bag ni Dora hihi.

Inilagay ko ang ilan na sa tingin ko ay kailangan ko pagkatapos ay lumabas na saktong andoon na din si Clara. Lumabas na kame at dumeretso sa special room kung saan gagawin ang special training namin.

Pagdating namin doon ay nandoon na ang tatlo, mukang kanina pa sila andito dahil pawisan na sila habang nag lalaban. Its 2 vs. 2. Railey and Elijah Vs. Calix and Lian.

Umupo kame ni Clara sa isang upuan habang pinapanood ang apat, hindi maikakailang magaling talaga sila lalo na si Calix, mukang sanay na sanay ito sa pag gamit ng sandata niya. Sabagay ay prinsipe siya, ang karaniwang sandata ng mga prinsipe ay espada.

Pagkatapos nilang maglaban tatlo ay kame naman ang sumunod ni Clara pero hindi kame naglaban dahil magkaiba kame ng Sandata kaya magkaiba kame nang ginagawa. Nang mapagod ako ay umupo kame ni Clara sa lapag habang hinihingal pa, pagkatapos kasi naming mag practice ng sandata ay nag duel kame ni Clara kaya ang ending pagod kame. Ayos nadin iyon dahil hindi naman pwedeng may hawak kameng sandata palagi.

"Gumagaling na kayong dalawa" nakangiting sabi ni Lian pero sure akong kay Clara niya iyon sinasabi, kunwari pa siya at dinamay pa ako.

"They need more practice" pagsingit ni Calix. Inirapan ko siya "yeah practice makes perfect" sarcastic kong sabi sa kaniya pero ang loko nginisian at kinindatan lang ako.

"Jerk!" Sabi ko pero ngisi nanaman ang isinagot niya, iniinis talaga ako ng lalake na ito tss.

"Enough! Baka kung saan nanaman mapunta iyang bangayan niyo, para kayong laging aso at pusa" halata sa boses ni Railey ang inis kaya ngumuso ako, ayan tuloy napagalitan ako.

But hell! Ang lakas din ng loob nilang pagalitan ang prinsipe. Tinignan ko si Calix na nakasimangot na, halatang ayaw na pinapagalitan siya. Mahina akong natawa kaya kaagad niya akong tinignan.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now