Chapter 41

217 15 1
                                    

"Joshia lumabas kana jan!"

Bakas sa boses ni Blaze ang galit habang tinatawag ako, nakailang balik na siya sa pintuan ng kwarto ko at kung katukin niya ito ay parang gusto na niyang gibain.

Actually kanina pa may tumatawag sa akin at sinasabing pinapatawag ako ni Blaze pero hindi ako sumusunod, ayaw ko kasing lumabas dahil alam ko ang mangyayari ngayon.

"Ayoko nga okay! Kung gusto mo ikaw nalang ang mag practice" sagot ko sa kaniya at nagtalukbong gamit ang unan na yukot na dahil sa kakakurot ko dito.

Nataranta ako ng marinig ang malakas na paggiba sa pintuan ko, kaagad akong bumangon at tinignan iyon..

"Oh my god! Anong ginagawa mo!" Sigaw ko sa kaniya ng tumambad sa akin ang sirang pintuan ng kwarto ko.

Ngumisi siya tsaka naglakad palapit sa akin.

"Ayaw ko nga-- hindi pwede Joshia!" Aniya

Natigilan ako.. tinatawag niya lang akong Joshia kapag galit siya o di kaya ay may nagawa akong kasalanan... May nagawa ba akong kasalanan?

"Ayaw konga kasing gamitin sa iyo ang black power na iyon! Natatakot ako" sabi ko at umatras, siya naman ay tumigil sa paglapit.

"Dont worry, may batong nakalaan para sa akin, tsaka nakakalimutan mona bang God ako? Mawawala ang kapangyarihan ko pero kusang babalik pwera napang kung mapatay mo ako.." aniya at ngumiti.

Bumuntong hininga ako, ngayon ang araw na pinaka aayaw ko sa lahat.

Sinabi nila na kailangan kong praktisin ang black power ko o iyong nakakapag alis ng kapangyarihan sa isang nilalang. Hindi naman iyon masyadong natalab kay Blaze dahil nga God siya pero natatakot padin ako..

Ang araw na ito ay tinatawag niyang "Combo day" ewan ba jan dahil kung ano-ano iniisip.

Ngayon kasi ay kailangan naming maglaban, ako Vs siya at ang mga Centaurs na masasabi kong mas malakas pa sa akin. Ginagawa namin ito tuwing ika labing dalawang araw kada buwan at ngayon iyon..

Kailangan kong gamitin ang buong kapangyarihan ko, kailangan kong controlin ang kapangyarihan nila laban sa kanila, may physical combat din at syempre kailangan kong Patayin ang kapangyarihan nila.. Madali naman iyong pinapagawa nila dahil gamay kona ang kapangyarihan ko ang kinakatakot ko lang ay baka masaktan ko sila..

Sila pa talaga ang masasaktan e ako nga itong lugii... Nag-iisa ako jusko.

"Fine!!!" Sigaw ko sa kaniya at naunang maglakad.. pero tumigil din ako at sinamaan siya ng tingin.

"Ayusin mo iyang pintuan ko kung ayaw mong sa kwarto mo ako matulog ngayong gabi!" Bulyaw ko sa kaniya, ngumisi siya at mahinang tumawa.

"God of Fire ako pero natatakot talaga ako kapag nagagalit ka.." aniya kaya mahina nadin akong natawa.

Baka ako talaga ang God sa aming dalawa at hindi siya..

Nauna akong bumaba at nakasalubong ko si Cascade na nakangisi sa akin. Kunot ang noo ko siyang tinignan.

"Combo day?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot at masamang tinignan si Blaze na nakangisi habang nakatingin sa akin.

Natutuwa siya dahil masasaktan niya ako ngayon, nasabi kona bang ang Combo day tinawag din nilang Free day. Ibig sabihin pwedeng sumali ang ibang nilalang para kalabanin o kampihan ako..

"Sasali ka Cascade?" Tanong ko habang pinagmamasdan siyang hawak ang espada, mahina siyang tumawa at iniangata ang espada bago tumango.

"Igaganti ko si Casua sa batang iyon, pinatay niya ang alaga ko" aniya at nagkunwari pang pinahid ang invisible luha niya. Mahina akong natawa.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon