Chapter 26

219 12 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin sa Weaponry ay dumeretso kame sa Practice room kaya nakasimangot ako habang naglalakad.

Sinong hindi? Ang alam ko regular student ako dito pero bakit parang may training ako everyday? I know naman na kasali ako sa Phoenix pero huhu sobra na ito T_T

"Ano at nakasimangot ka jan?" Tanong ni Clara at siniko pa ako. Ngumuso ako at inirapan siya.

"Alam mo namang tamad ako mag pratice hindi ba?" Naiinis na sabi ko.

Nakita ko pang  tumawa si Railey kaya kaagad siyang nakatanggap nang masamang tingin mula sa akin.

"Hindi ka naman kailangan dito, pwede ka namang umalis"

Napatigil kame sa paglalakad nang nagsalita si Andre, umarko ang kilay ko at masama siyang tinignan. Kaunti nalang talaga at makakalimutan kong kaibigan at nakasama ko ito simula bata. Sobra na e. Parang nung isang araw lang ang bait a tapos ngayon..

"Pag hindi kausap matutong tumahimik" bakas sa boses ko ang inis habang nakatingin sa kaniya.

"Oh? Kausap ba kita? Zip your mouth okay?" Aniya at inirapan pa ako.

Ah talagang hinahamon niya ako? Bigla siyang napatalon ng biglang kumidlat at may pumuntang maitim na ulap sa ulunan niya. Naglabas ito ng ilang sunod-sunod na malalakas na kidlat kaya takot na takot siyang tumingin sa akin.

"Joshia stop!" Galit na sabi ni Calix kaya inirapan ko siya.

"Oh? Sure" sagot ko at nauna nang naglakad, naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin nila Lian kaya napangisi ako.

"That's our girl" sabi pa neto at ginulo ang buhok ko kaya nagtawanan kame.

Pagpasok sa training room ay kaagad kameng nag ensayo, ilalapag kona sana ang armas ko ng biglang malakas na bumukas ang pintuan at iniluwal noon si Shaira na nagpupuyos sa galit.

"Malandi!" Galit niyang sigaw.

Nanlaki ang mata ko sa pag aakalang ako ang susugudin neto ngunit ng makitang si Andre ang sinabunutan e nakahinga ako ng maluwag.

"Deserve" mahinang bulong ni Clara kaya nagtawanan kameng dalawa.

Tuwang-tuwa kame habang pinapanood na unti-unting nakakalbo si Andre dahil sa higpit ng pagkakasabunot ni Shaira. Naranasan kona kung gaano kasakit manabunot si Shaira kaya alam an alam ko kung gaano iyon kasakit.

"Go litol rockstar!" Sabay pa naming sigaw ni Clara kaya napunta sa amin ang atensyon ni Calix, masama niya kameng tinignan pagkatapos ay lumapit kela Lian para tumulong sa pag pigil.

Feeling ko tuloy ang sama kong kaibigan, dati ako pa ang nagtatanggol sa kaniya pero heto ako ngayon at tuwang-tuwa sa nangyayari. Bumuntong hininga ako at biglang nagpalindol kaya napatigil sila.

"Tigilan niyo na iyan,  nag-aaway pa kayo parehas naman kayong malandi" ani ko kaya parehas nila akong masamang tinignan habang sila Lian ay halatang nagpipigil ng tawa maliban kay Calix

"What did-- oh hanggang jan kalang!" Sigaw ni Clara at tinignan ng masama si Andre na akmang lalapit.

" Sige na Shaira alis na, alis na" pagtataboy ni Railey at tinulak pa ito palabas. Akala konga papagalitan siya ni Calix ngunit nanatili itong tahimik at nakamasid lang sa paligid.

Pagkaalis ni Shaira ay bumalik kame sa pag eensayo maliban kay Andre, ewan ko ba para naman sa kaniya ang training na ito pero bakit siya ang hindi nag eensayo. Crazy.

Pagkatapos noon ay dumeretso kame sa Canteen dahil nagugutom daw sila, ako din naman kaya sumama nadin ako.

"What do you want Joshia?"

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now