Chapter 11

318 18 0
                                    

Nandito  kame sa palasyo ngayon dahil ipinatawag kaming anim, noong una panga ay akala ko sila lang at sinama lang ako pero nang ipakita sa akin ang invitation na nakalagay ang mga pangalan namin na  mula sa palasyo ay nasiguro kong kasama nga ako.

Nalaman ko din na hindi pala basta-basta makakapasok dito ng walang invitation, noon naman daw ay free ang makapasok dito pero nung may nag tangkang nakawin ang korona ng hari ay nag higpit na.

Grabe naman, gaano ba kamahal ang korona ng hari at binalak pang nakawin.

Habang nakaupo sa mahabang sofa ay panay ang sulyap ko sa paligid ng Palasyo, napaka ganda kasi ng disenyo neto at kitang-kita ang yaman ng pamilya nila Calix. Confirmed, Kaharian nga ito.

Sabay-sabay kameng napatayo nang dumating ang reyna at hari, nag bow kame at binati sila.

"Kamusta mga bata, oh is she the one na dinala mo dito Calix nung may nangyari sa kaniya?" Nakangiting tanong ng Reyna habang nakatingin sa akin, ako naman ay napatingin kay Calix.

"She is." maikli netong sabi, tumango ang Reyna. Nagulat pa ako ng kindatan ako neto.

Sabay-sabay kameng umupo nang umupo din ang hari at reyna sa dalawang upuan na nasa harapan namin. Maging ang kasuotan nilang dalawa ay hindi maitatangging mamahalin. Ako naman ay napatingin sa korona ng hari, kaya naman pala gustong nakawin e puro diamante pala ang nakalagay. Nawala lang ang pansin ko don ng tumikhim ang hari, nahihiya akong nag iwas ng tingin at umayos ng upo.

"Bakit niyo kame pinatawag Ina" tanong ni Elijah.

Bumuntong hininga ang Reyna at inilabas ang isang sulat, kung titignan ay para itong lumang papel na madalas makikita sa mga K drama na napapanood ko. Iyong papel na iniikot.

"Isang Mission, Anak." Anito at iniabot ang papel kay Calix, kaagad na lumapit ang tatlo at nakibasa habang kame ni Clara ay parang timang at hindi nag sasalita.

"By the way, ano ang pangalan mo?" Napatingin ako sa Reyna, ako ba ang tinatanong niya?

"Ikaw nga" aniya

"Ummm, Charizel Joshia po mahal na reyna" sabi ko sa isang magalang na tono. Baka kasi kapag hindi niya nagustuhan ang tono ko e ipalapa nalang ako sa lion, balita ko kasi ay may alaga itong lion. Mahirap na, baka mabawasan ang bilang ng magaganda dito sa Her

"Nice name for a beautiful girl, Calix iniibig mo ba ang batang ito?"

Umawang ang labi ko sa biglang tanong ng hari, pakiramdam ko ay nagbara ang daluyan ng hininga ko kaya nahihirapan akong huminga.Maging sila Calix ay napatigil sa ginagawa at kunot noong tinignan ang kaniyang ama.

Tumingin sa akin si Calix at ngumisi, kumunot ang noo ko nang lumapit ito sa hari at may binulong pagkatapos ay parehas silang tumawa nang malakas. Pinagtatawanan ba nila ako?

Nahihiya akong tumingin sa hari na ngayon ay seryosong nakatingin din sa akin. Para niyang binabasa kung ano ang iniisip ko at ramdam ko ang pagpipigil ng tawa sa titig neto.

"She is really a wonderful girl"

"Stop it darling, we all know na may Shaira na si Calix, tigilan mo ang pag rereto na iyan" sabi ng Reyna pagkatapos ay nagtawanan naman ang dalawa na parang biro lang ang sinabi.

So kilala pala nila si Shaira, sana alam din nilang basura ang ugali ng isang iyon. Napatigil ako sa pag-iisip, ano ba iyan Joshia tunog bitter ka naman!

"Yeah" tanging sabi ni Calix.

Ako naman ay nanahimik na lamang, nang matapos na nilang basahin ang sulat ay tumingin na sila sa mag-asawa na hanggang ngayon ay  nagtatawanaan.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now