Chapter 6

307 20 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Library, kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito ay dahil umiiwas ako kay Calix. Kapag kasi nakikita ko ang muka niya ay naiinis kaagad ako kaya ako na ang mag aadjust. Tsaka may hinahanap din ako.. pero hindi ko alam kung ano.

"Tara na kasi doon sa field!" Yaya sa akin ni Clara, kanina niya pa ako hinihila papunta doon dahil may announcement daw si Mr. Hernandez.

Bumuntong hininga ako at inayos ang mga gamit ko, napangiti naman siya at kaagad akong hinila papunta sa Open field.

"Ayon sila!"

"Ayaw---"

 Aalis na sana ako doon ng hinila nanaman ako ni Clara kaya hindi na ako naka angal ng hilahin niya ako palapit kela Lian, hindi rin makaramdam ang babaeng ito e. Napairap ako ng magtama ang mata namin ni Shaira na nakangisi habang naka tingin sa akin.

Umupo ako sa Medyo malayong bangkuan pero kaagad din iyong napansin ni Lian kaya tinawag ako.

"Ano ka ba Joshia! Dito ka!" Aniya

"Oo nga, bakit ba ang layo mo sa amin"

Napairap ako, pinagtutulungan ba nila ako.

"Wag niyong pilitin ang ayaw" rinig kong sabi ni Calix at sinilip ako, inirapan ko siya bago padabog na tumayo at umupo sa upuang pina gigitnaan ni Railey at Clara.

"Arte" rinig kong bulong ni Shaira, mukang narinig din iyon ni Railey kaya inilingan nalang niya ako, sinasabing wag ko nalang pansinin.

"Panget!" Halos pasigaw na sabi ni Clara kaya napatingin kame sa kaniya.

"Sinong panget?" Hindi na napigilan ni Shaira at pumunta sa harap namin, bumuntong hininga ako at bored siyang tinignan.

"Oh tinamaan ka? Uso umilag" ani Clara at tumawa, ako naman ay napangisi din.

"Shut up Clara, will you" sabi ni Calix.

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Calix, talagang si Clara pa ang sinaway niya.

"Dapat ay iyong aso mo ang pagsabihan mo, dont spoiled her you jerk" wala sa sariling sabi ko.

"What did you said?" Aniya na galit na habang nakatingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin, tatayo pa sana siya ng pigilan siya ni Lian.

"Dude, dont be unfair. " Sabi ni Lian kaya bumalik si Calix sa inuupuan neto pero kunot padin ang noo.

Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa dumating ang Dean at tumaas sa stage. May dala itong mga papel at palinga-linga sa paligid. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ito.

"Good afternoon, ladies and Gentlemen." Panimula niya

May narinig pa akong ilang nag Boo pero tinawanan niya lang ito.

"I just want to say na malapit na ang Show off niyo, at alam niyo ang kasunod ng Show off right? So be prepared" aniya at umalis na din sa Stage.

Sa hinaba haba ng oras naming naghantay iyon lang pala ang sasabihin. Minsan talaga ang hirap intindihin ni Dean e, nabagok siguro siya nung baby pa siya. Kaagad kameng tumayo pagkatapos noon, narinig ko pa ang ilang nag rereklamong estudyante.

"Ano iyong show off?" Tanong ko habang naglalakad kame papunta sa canteen.

"Isa iyong palaro kung saan mag papa unahan ang mga kalahok na makapunta sa pinaka tuktok ng bundok ng sierra kung saan matatag puan ang mahiwagang pulang puno at ang anim na mauna doon ay ang hihirangin na miyembro ng Phoenix" paliwanag ni Clara kaya napatango ako.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now