Chapter 13

272 18 0
                                    

Maaga kaming pinatawag sa deans office para sa mission namin, kanina pa tahimik ang mga kasama ko. Maging ako ay hindi makapag salita dahil sa tensyon na nararamdaman, tinignan ko ang mga gamit kong dala at chineck kung may naiwan ba ako.

"Hmm, good morning"

Sabay-sabay kaming napatingin sa pumasok na dalawang lalake, ang isa ay si Sir Hernandez ngunit ang isa ay hindi ko kilala. Nang magtama ang mga mata namin at nginitian niya ako ay ngumiti din ako.

"Good morning Elites, para sa mga hindi pa nakakakilala sa akin ako si Head master Zeus." Aniya

Napataas ang kilay ko, so siya ang may pakana sa pag sama namin ni Clara sa mission. Gusto ko sanang questionin siya kaso ay baka magalit ito, muka pa naman siyang bumubuga ng apoy.

Nanatiling tahimik ang mga kasama ko, walang nagsasalita maging si Calix na prenteng nakaupo lang habang nakatingin kay head master Zeus.

"Gusto ko lang sabihin na mag-iingat kayo, hindi pang karaniwang mission ito at masyadong delikado"

"Then bakit mo sinama ang mga baguhan sa missiong mapanganib pala" sa wakas ay nagsalita na si Calix.

Grabe naman, baguhan talaga? halos mamatay nanga ako sa ensayo namin tapos baguhan padin? ang sakit sa ego ha.

"No time for this discussion, aalis na kayo" aniya habang nakangisi.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mas may malalim pa siyang dahilan kung bakit kame nakasama sa mission. Pakiramdam ko ay may tinatago ito sa amin at kailangan ko iyong malaman. Bumuntong hininga ako at inayos ang damit ko.

"Makakaalis na kayo, ihahatid kayo ng Guardians papunta doon. Mag-iingat kayo mga bata" huli niyang salita bago tumayo at nauna ng lumabas.

Kame naman ay nagkatinginan, nang tumayo si Calix at kinuhaa ang mga gamit ay tumayo nadin kame. Dumeretso kame sa likod ng academy dahil doon daw nag hihintay ang sasakyan namin.

"Omg what is that?" Gulat na tanong ni Clara habang nakatingin sa limang puting tao na may puting sungay.

"They are the light guardians, sila ang madalas na ginagamit para maghatid ng estudyante kapag may mission. Sasakay tayo sa kanila" paliwanag ni Lian

Napatango nalang ako, namamangha kong tinignan ang anim guardians, mga higante sila na maputi at may puting sungay na kagaya sa toro. Sa sobrang excited ko ay lumapit ako sa isa na siyang naka agaw ng pansin ko.

"Hi! What is your name?" Tanong ko dito.

Kumunot ang noo neto na parang nag tataka sa ginagawa ko.

"Kahit naman sabihin ko ay hindi mo maririnig" aniya ng isang boses.

Napalingon ako sa likod at tinignan sila Calix pero sure akong hindi sila iyon.

"May narinig kayo?" Tanong ko sa kanila para maka sigurado, sabay-sabay naman silang umiling kaya napaawang ang labi ko.

So...

"Ikaw ba iyon?" Tanong ko dito.

"Yes lady, ako si Titus" aniya kaya nanlaki ang mata ko.

Omg nakakausap ko siya? Halaaa

"Ngayon lang ako naka encounter ng taong nakakausap ako, may be you are special" sabi pa nito.

Bakit? Hindi ba nila nakakausap ang mga tao. Nilingon ko sila Calix na nakakunot na ang noo sa akin.

"Sinong kausap mo? Hindi ka naman sasagutin ng guardians dahil hindi iyan nakakausap" angil ni Calix habang umaakyat sa kamay ng isang guardians na naglahad sa kaniya.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon