Chapter 14

261 14 0
                                    

Kaagad akong napabangon ng may malakas na kumatok sa pintuan ko, inayos ko muna ang gulo kong buhok bago iyon pag buksan.

"Ano kaba! Kanina pa kita ginigising. Tara na hinahantay na nila tayo" aniya at hinila na ako pababa.

Pagbaba namin ay naabutan namin sila Calix kasama ang Hari, Reyna at Prinsipe na nakaupo sa isang paikot na lamesa. Nang maramdaman nila na pababa na kame ay kaagad silang napalingon sa amin.

"Sleepy head" angil ni Calix nang makalapit ako, inirapan ko siya hindi talaga niya mapigilan na awayin ako kahit nasan kame no.

"Feeling ko ikamamatay mo kapag hindi mo ako na buwiset ng isang araw" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinagot na siya, natauhan lang ako ng mapatingin ako sa Reyna na kunot na ang noo habang nakatingin sa amin ni Calix.

"Pag pasensiyahan niyo na po at mga aso at pusa po talaga sila, palaging nag babangayan" singit ni Elijah sa usapan, tumikhim ang hari at ngumiti.

"It's okay hahaha" sagot ng reyna at may inilapag na isang mapa.

Katulad ito ng mapa na hawak ni Lian nung isang araw, hugis dragon ito.

"Batid naming alam niyo na ang problema namin" panimula ng hari kaya napatango kame.

" May lead na po ba kayo kung paano iyon nangyayari sa kanila?" Tanong ni Calix.

Umiling ang hari at lumungkot ang muka. "Wala pa pero sabi ng isang Testigo may nag bebenta daw ng dugo at kapag nakaen na nila ito ay biglang nawawala sa sarili ang mga bampira at nagiging agresibo" paliwanag ng hari.

Kumunot ang noo ko "May be those bloods ay dugo talaga ng tao" Ani Calix.

Nanindig ang balahibo ko sa narinig, what? Dugo ng tao? Dead people? Eww

"D-dead people to be exact" ani ng Prinsipe kaya nasa kaniya napunta naman sa kaniya ang atensyon namin.

"Ang kadalasang iniinom naming dugo ay mula sa mga hayop, ngunit kapag dugo na ng tao ang ininom namin ay mag-iiba ang takbo ng isip namin dahil hindi mag babalance ang dugong nasa katawan namin. Nagiging dahilan iyon ng pagiging agresibo at kawala sa katinuan, napag-aralan na iyon at napatunayan" paliwanag pa niya.

"Ummm saan po makikita ang nagbebenta ng dugo na iyon?" Singit ko sa usapan.

"Sa bundok  ng pirana, pero wala na doon ang tinutukoy nilang nagbebenta ngunit malakas ang kutob namin na andoon lang sila at nagtatago sa mga lugar na hindi namin maabot" sabi ng reyna.

Marahil nandoon nga sila, nabanggit din kasi ng Reyna na may lugar doon na hindi nila mapasok dahil sa isang malakas na pwersa pero kung kame daw ang mag tatangka ay baka makapasok kame.

"Pupuntahan namin ang lugar na sinasabi ninyo ngayon din" sabi ni Calix na sinang ayunan namin.

Tumango ang hari at reyna at tinawag ang isang kawal at may inutos doon.

"Ina sasama ako sa kanila"

Napalingon ako sa Prinsipe, gusto niyang sumama? Pero diba hindi sila nakakapasok doon.

"Hindi nila alam ang lugar at pasikot-sikot iyon, baka maligaw sila" paliwanag niya.

Oo nga naman, baka mamaya ay maligaw kame at hindi na kame makabalik dito. Mas maganda ngang samahan niya kame.

"May tanong pa ba kayo?" Tanong ng reyna at tinignan kame isa-isa.

Nahihiya akong nagtaas ng kamay, ewan pero curious talaga ako kaya itatanong kona ito.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon