Chapter 20

244 11 0
                                    

Nang dumating ang sasakyan namin papuntang Bayan ng Hera ay kaagad kameng umalis, mabilis lang din kameng nakadating doon.

Nasa bandang unahan kame nila Calix, Clara at iyong dalawa. Habang nag lalakad ay panay ang tingin ko sa paligid.

Ang mababang Paaralan ng Hera ay hindi mo masasabi na mababa talaga dahil sa ganda neto, ka level neto ang mga Private school sa mundo ng mga tao.

"Pixies!" Masayang sabi ko habang itinuturo ang mga nagliliparang pixies sa puno. Maging sila Lian ay napatingin din doon at pumalakpak pa.

Nang makarating kame sa loob ng isang building ay kaagad akong binilinan ng Apat, huwag daw akong lalayo sa kanila at baka mawala ako. Pero hindi ko iyon pinansin, paanong mawawala ako e iisang building lang naman ang pinasukan namin.

"Wow ano ito!" Bulong ko sa sarili at hindi na napigilan ang sarili kong lapitan iyon.

Isang picture ng isang napaka gandang babae.

"Queen Elizabeth Mad-- aray!!" Sigaw ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.

Napahawak ako dito at napaupo, hindi ko alam ang gagawin ko kaya ipinikit ko nalang ang mata ko.

"Ayos ka lang ba Iha?" Napatingala ako ng may kumausap sa akin.

Nanlaki ang mata ko at kaagad na tumayo, tumindig ang balahibo ko ng ngumisi ito.

"Mukang naaalala mo ako" aniya at mas ngumisi pa.

Siya iyong matandang witch na gusto akong ikulong sa bangungot. Ano ang ginagawa niya dito?

"Calix" mahinang sabi ko na parang maririnig ako neto..

Please Calix..

Halos mapatalon ako ng Bigla itong tumawa ng malakas at tinignan ako ng masama.

Hindi ito ang unang pagkikita nmin pero ng maalala ko ang ginawa niya sa akin noon ay kusa akong nakaramdam ng matinding takot, hindi ko siya kilala pero maaaring kilala niya ako..

"Kilala mo ba ang babae na ito? Siya ang iyong ina Joshia, ang iyong Ina na ipinadala sa Hermonio dahil lamang sa gusto ka netong mailigtas"

Nanlaki ang mata ko habang tinitignan ang babae sa larawan, kaya ba kamuka ko siya dahil siya ang Ina ko?

"Princess Elizabeth Madrid, Joshia siya ang ina mo. Ang babaeng ginawa lamang ang lahat para mailigtas ka mula sa bingit ng kamatayan ngunit ano ang napala niya? Ipinatapon siya sa Hermonio Joshia, nasa Hermonio ang iyong Ina! Alam mo ba ang Hermonio at kung gaano kalungkot ang lugar na iyon?"

Tinakpan ko ang tenga ko upang hindi siya marinig, umiiyak na din ako dahil sa mga sinasabi niya. Hindi totoo ang sinasabi niya Joshia, huwag kang makinig.

"C-calix" umiiyak na bulong ko, napapikit ako ng tumawa nanaman siya ng malakas.

"Hindi ka maririnig ng Prinsipe, Prinsesa dahil  hindi gumagana ang ganoong bagay dito." Aniya at tumawa nanaman ng malakas.

"Sige lang Prinsesa, umiyak kalang pagluksaan mo ang mga magulang mo na ipinatapon sa Hermonio dahil sa iyo, kung hindi ka sana nila iniligtas-- TUMAHIMIK KAAAAA!!!!!!!!!!"

Malakas na sigaw ko maya-maya ay nakaramdam ako ng hilo at tuluyan ng nawalan ng malay.

CALIX POV

"Nasaan si Joshia?" Agad na tanong ko ng mawala ang presensiya niya sa likod ko.

Hindi ko alam pero kaagad akong nakaramdam ng kaba, sana ay walang nangyayaring hindi maganda sa kaniya.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now