Prologue

837 25 0
                                    

Napangiti ako nang matapos ko ang binabasa kong Aklat, napaisip pa ako saglit pagkatapos ay binalingan na ang kaibigan kong kanina pa masama ang tingin sa akin.

"Hoy babaita ka! Kanina ka pa nakangisi jan, nababaliw kana ba?" Mataray netong tanong sa akin.

Napangiwi ako sa tanong niya, nakangisi lang pagkatapos ay nababaliw na kaagad? Napailing ako at hindi nalang siya pinansin.

"Joshia tawag ka ni Dean" Singit ng isang estudyante sa usapan namin ni Andre, sumimangot ako bago tumango sa kaniya.

Bakit ba lagi niya akong pinapatawag? pero wala naman siyang sinasabi bukod sa pinapalipat niya ako ng school.

"Andre, masama ba akong estudyante?" tanong ko habang naglalakad kame pabalik sa school.

Napangiwi ako nang tumawa siya ng malakas pagkatapos ay binatukan ako.

"May masamang estudyante ba na palaging top 1 at dean's lister!" Aniya at tumawa nanaman.

Iyon na nga, maganda naman ang performance ko as a student pero bakit niya ako pinipilit na lumipat, hindi din naman ako bully dahil ako nga ang dakilang butterfly ng school na ito. Bawat sections yata ay may kaibigan ako.

"Seryoso kasi!" Naiirita kong sabi sa kaniya kaya tumigil naman siya sa pagtawa pagkatapos ay tinignan na ako ng seryoso pero mahahalata mo parin ang pagpipigil sa kaniya.

"Hindi nga ano! pang-ilan mo nang tanong sa akin iyan. Bakit ba? may problem ba?" tanong niya kaya mabilis akong umiling.

Hindi ko kasi sa kaniya sinasabi iyong napag-usapan namin ni Dean dahil sabi niya huwag daw, wala daw akong dapat pagsabihan tungkol sa alok niya. At dahil mabait nga akong studyante ay sinunod ko siya, kahit na nakokonsensya ako na may tinatago akong sikreto sa kaibigan ko.

Bumuntong hininga ako at sinabihan si Andre na mauna na sa room dahil pinapatawag ako sa dean's office, akala ko nga ay magtatanong pa siya ng kung ano-ano. Nakokonsensya na talaga ako dahil nagsisinungaling ako sa kaniya.

Habang naglalakad ay panay ang lingon ko sa paligid, pakiramdam ko kasi ay may sumusunod at nakamasid sa akin, kumunot ang noo ko nang mapansing ako nalang naman ang naglalakad sa hall way. Umiling ako at ms binilisan nalang ang paglalakad.

Pagdating ko doon ay mabilis akong kumatok, nagtaka pa ako ng biglang bumukas ang pintuan pero pumasok na din ako. Minsan talaga may pag ka eerie ang room ni sir. May kwento-kwento kasi na kusa daw itong bumubukas kahit wala si sir.

"Baka naman automatic lang" bulong ko pa at tinignan ang pintuan ni sir, gawa ito sa kahoy at walang bakas ng teknolohiya... bahala na nga!

"Joshia"

"Ay palaka!" gulat na sigaw ko at muntikan pa akong mahulog mula sa upuan, ano ba naman itong si sir.

"Sorry po" sabi ko at pekeng umubo, pinagmasdan ko siya habang kinukuha ang mga papel na nahulog, medyo lumakas kasi ang hangin... teka wala namang bintana dito kaay paanong mag kaka hangin? Tinapik-tapik ko ang pisnge ko para mawala ang takot na nararamdaman ko.

"Ino offer ko sa iyo ulit Joshia" maikli niyang sabi, alam ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ako nagsalita.

"Sir pang sampung alok niyo na ito sa akin pero hindi--- sigurado kaba? ito na ang huling beses na iaalok ko sa iyo ang bagay na ito. Pag-isipan mong mabuti Joshia dahil buhay mo ang nakataya dito" makahulugan niyang sabi.

"P-po? buhay ko po?" kinakabahang tanong ko.

Ang ibig ba niyang sabihin ay kapag tumanggi nanaman ako ay ipapapatay niya ako? jusko huhu gusto ko lang naman mag-aral bakit naman ganito?

"Maybe you don't understand right now but when the times come, kusa ka ding lalapit sa akin at magtatanong. Let's just say na you don't belong in this world. Hindi ito ang totoong ikaw Joshia, hindi ito ang buhay mo" aniya na nakapag patigil sa akin.

Anong sinasabi niya, oo ulila ako at hindi kilala ang mga magulang pero... bakit ako umiiyak? mabilis kong pinalis ang luha sa mga mata ko at tumakbo palabas ng office niya.

"Huwag sanang mahuli ang lahat Joshia" huli niyang sabi bago ako tuluyang makalayo. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa dahil dean padin naman siya dito, siya din ang nagbigay ng scholarship sa amin ni Andre kaya kame nakapasok sa mamahalin na school na ito at kung bakit kame nabubuhay ni Andre.. siya lahat ang may dahilan..


...

THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES,CHARACTERS,PLACES, AND INCIDENTS ARE EITHER PRODUCT OF AUTHOR'S IMAGINATION.


HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now