Chapter 29

223 13 3
                                    

Isang kadiliman, gumuguho ang kapaligiran. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap ang mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila mahanap.

"Joshia!"

Kaagad akong napalingon sa tumawag, si Andre na umiiyak ang tumambad sa akin habang masamang nakatingin sa akin.

"Mamatay kana!" Sigaw niya mabilis na sumugod sa akin, napaawang ang labi ko ng tumusok sa katawan ko ang espadang hawak niya. Lumuwa ako ng dugo, maraming dugo.

---

CLARA'S POV

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni Joshia nang marinig siyang sumigaw, pag bukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Joshia na malikot ang ulo at pawis na pawis. Kaagad akong nakaramdaman ng kaba kaya kaagad siyang nilapitan.

"Joshia? Joshia naririnig moba ako?" Tawag ko sa kaniya ngunit hindi siya sumasagot.

Lalo akong kinabahan ng may pumatak na luha sa kaniyang mga mata, umiiyak si Joshia!. Kaagad akong nag teleport papunta sa dorm nila Calix.

"Anong problema Clara?" Bungad nila sa akin na tila naguguluhan sa inaasta ko.

"Si Joshia" naiiyak na sabi ko kaya nataranta sila.

Mabilis kameng umalis doon at nagteleport pabalik sa dorm namin. Pagpasok sa kwarto ni Joshia ay kaagad namin siyang nilapitan.

"Shit ang taas ng lagnat niya!" Sigaw ni Calix at kaagad itong binuhat.
----

CALIX POV

Nang hawakan ko si Joshia ay tila napaso ako sa sobrang init ng katawan neto. Kaagad ko siyang binuhat at nag teleport papunta sa Clinic.

"Prinsipe" bati sa amin ni Lindsay ngunit nang makita niya ang hawak ko ay kaagad siyang tumalima, kaagad naman akong sumunod sa kaniya.

"Anong nangyayari sa kaniya?" Tanong ko nang matapos na tignan si Joshia ng healer, hindi ito sumagot kaya napatingin ako kay Joshia na hindi na umiiyak. Mukang binabangungut nanaman siya ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya nilalagnat.

Bumuntong hininga ako at tumabi ng upo sa mga kasamahan namin, tahimik lang din sila at tila malalim din ang iniisip.
--

JOSHIA'S POV

Bigla kong naimulat ang mata ko at biglang napasigaw at napahawak sa pulsuhan ko na may lumalabas na liwanag. Napapikit ako sa sobrang sakit neto, para bang tinutusok ako ng napakaraming karayom.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas iyon at iniluwa ang mga kaibigan ko na mukang nag-aalala. Ngunit kaagad na nawala doon ang pansin ko nang sumakit nanaman ang pulsuhan ko.

"Anong nangyayari?" Natataranta na tanong ni Clara at napatingin sa pulsuhan ko na tumigil na sa pag ilaw.

"I-iyong pulsuhan niya" bakas sa boses ni Lian ang kaba habang sinasabi iyon kaya lahat sila ay napatingin doon maging ako.

Nanlaki ang mata ko nang makita doon ang parang buntot, buntot lamang iyon ng hindi ko matukoy na hayop. Kinabahan ako at kaagad na napatingin sa kanila.

"Anong nangyayari sa akin?" Kinakabahan kong tanong sa kanila ngunit hindi sila sumagot. Nanatili silang tahimik hanggang sa nagsalita si Calix at lumapit sa akin.

Nagulat ako nang hawakan neto ang kamay ko at tinignan ang pulsuhan ko, maging sila Clara ay lumapit nadin.

"Bakit parang may nabubuong marka sa kaniya?" Usisa ni Vladi at akmang hahawakan ako nang tabigin iyon ni Calix. Napanguso ako, kung mag-aaway sila dito ay lumayas na silang dalawa.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon