Chapter 4

370 20 0
                                    

Sabay-sabay kameng naglalakad nila Calix papuntang Weaponry room, dumaan lang kame saglit sa Canteen dahil nauuhaw daw sila, ewan nga kung bakit kame sumama.

"Mag handa kana kay sir Paul! Napaka sungit ng isang iyon" sabi ni Clara pero tumango lang ako. Ang init-init kasi pero heto kame at parang naglalakad sa buwan. Nang makarating kame sa tapat ng room ay nauna na akong pumasok.

"Sino sila?" Tanong ko kay Clara habang nakatingin sa isang grupo na hindi familiar sa akin.

"Mga Commoners iyan, kasabay natin sila sa klaseng ito but dont worry mababait naman sila unless may bitchessa diyan" aniya habang nakatingin sa isang grupo. Nag-uusap sila habang pa sulyap-sulyap sa akin, hindi ko alam kung ako ba ang pinag-uusapan nila o trip lang nilang magbulungan habang nakatingin sa akin.

Kaagad ding natahimik ang buong room ng pumasok ang isang guro, sa palagay ko ay bading ito dahil sa mahaba netong buhok at pakendeng kendeng pa kung maglakad, maarte din niyang hinahawi ang buhok habang tinitignan ang bawat estudyanteng nadadaanan.

Nang makapunta ito sa unahan ay  tumikhim ito at tumayo ng tuwid. Handa awit, charot.

"Oh new student, but yeah lets start our class" aniya at may pinindot kung saan.

Maya-maya ay lumabas ang isang malaking tv, kung saan iyon nanggaling at kung paano iyon napunta doon ay hindi ko alam.

Ngunit kaagad ding nawala ang pansin ko doon at nanlaki ang mata ng hawakan niya ang espada na nasa TV at naging totoo iyon, iwinasiwas niya iyon at napapaatras naman ang mga estudyante na nasa unahan.

 Paano kung makatama siya at maputulan ng leeg ang tatamaan.....

"I will group you into five, this will be the leader of the five group and the members of course!" aniya at inilabas ang isang papel na mukang listahan ng grupo na ginawa niya.

"Group 1. Calix, Joshia, shiela, carl, ivan..." Aniya. Napanguso ako ng marinig ang pangalan ni Calix, sa dami namin dito bakit siya pa? ang sungit pa naman non. Nang tumayo si Calix ay wala na akong nagawa kundi ang tumayo nadin  At tama nga ang hinala ko dahil si Calix ang leader namin.

Si Railey, Lian at Clara naman sa iba pang group. Siguro ay magagaling sila kaya sila ang leader, nag kibit balikat ako at lumapit sa grupo ko.

"Okay first, pumili na muna kayo ng weapon niyo. Group 1 kayo ang mauna" sabi ni sir at pumunta sa isang sulok kame naman ay tumayo.

Napatingin ako kay Calix ng hawakan niya ang Espada, napangiti pa ito kaya natigilan ako. Ang gwapo pala niya kapag ngumingiti.

Natigilan lang ako ng magsalita ito at kunot na ang noo habang nakatingin sa akin. 

"Its your turn Joshia" angil niya, halatang naiinis na kaya napairap ako.

Binabawi kona ang sinabi ko, hindi pala siya gwapo tss.

Napatingin ako sa mga weapon ngunit napako ang tingin ko sa isang bow and arrow na may nakaukit na Dragon, kahit na hindi naman ako masyadong maalam kung paano gamitin iyon ay kinuha ko parin.

"Nice one" bulong sa akin ni Clara na katabi kona pala.

Nginitian ko siya at pinagmasdan habang tinitignan ang isang latigo ,hindi na ako nagulat ng kunin niya ang latigo. Muka naman kasi siyang mahilig sa ganoong bagay kaya hindi na ako nagtaka.

Suminghap ako ng biglang nagsalita si Calix sa likod ko, natataranta akong lumapit sa mga kagrupo ko at tinignan siya.

Seryoso ang muka neto pero hindi naman mukang galit, parang lang.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon