Chapter 28

213 12 0
                                    

Nang marating namin ang nasabing Isla ay kaagad akong tumingin sa paligid, sa dami ng mga puno dito ay mukang mahihirapan kameng hanapin ang punong narinig ko kanina. 

"Umpisahan na natin, mag didilim na. Mahihirapan tayong maglibot kung madilim" ani Vladi na kaagad naming sinang ayunan. Hindi na kame naghiwalay kagaya nang napagkasunduan. Ang sabi din kasi ng mga bantay ay mahirap ang maligaw sa isla na ito dahil may mag lagusan na hindi mo alam kung saan ka dadalhin.

Habang naglalakad ay hinahawakan ko ang mga punong nadadaanan. Lumipas ang ilang oras at wala parin kameng mahanap kaya nagpasiya kameng tumigil muna.

Nagpasiya kameng tumigil muna upang makainom ng tubig, pagod na pagod ako kaya wala sa sariling napasandal ako sa isang malaking puno. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang kakaibang enerhiya sa puno.

"Anong nangyari Charizel?" Ani Calix at sinuri ako, hindi ako kaagad nakapagsalita at nakatitig lamang sa puno kaya napatingin din sila doon.

Malaki ang puno ngunit kakaiba ito, napakataba ng Katawan neto na akala mo ay may nilunok na kung ano.

"Paanong nagkaroon ng puno diyan? Nakailang balik na ako sa Isla na ito ngunit ngayon lang nag ka ganiyan diyan" ani ng Isang taga bantay kaya kumunot ang mga noo namin.

Akmang hahawakan ko ito ng biglang gumalaw ang lupa at may lumabas na mga higanteng dahon ngunit may mga ngipin itong matatalas at malalaki, kaagad kameng napaatras. Nagulat ako nang hilahin ako ni Calix at ilagay neto sa likod niya ngunit mukang natauhan siya sa ginawa niya, bigla niyang hinigit si Andre at inilgay sa likod niya na parang pinoprotektahan ito.  Napasimangot ako.

Oo nga pala, siya ang lady of dragon. Ngumuso ako at tumabi nalang kay Elijah na nakatingin din pala sa akin at pinagmamasdan pala ako. Hinigit niya ako papunta sa likod niya.

"Joshia may magagawa kaba?" Biglang tanong ni Lian habang naka handa na sa pag atake.

Ako ang Lady of Nature kaya paniguradong may magagawa ako, marahan akong tumango.

"Hanapin mo ang puso ng puno at kame ang bahala sa mga ito" utos ni Calix at nag umpisa ng makipag laban.

Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang puno, maigi nalang at kahit hindi ko ito hawakan ay madali kong matutukoy kung siya iyon.

"Doon!" Sigaw ko at itinuro ang parang butas sa puno, madali naman iyong nakuha nila Calix kaya iyon na ang puntirya nila.

Hindi naging madali ang pakikipaglaban, mabuti nalang at nagawa kong makontrol kahit papaano ang mga halaman kaya madaling naubos namin sila.

"Ngayon na Calix!" Sigaw ko kaya mabilis siyang tumakbo papunta sa puso ng puno at sinaksak iyon.

Muli nanamang gumalaw ang lupa maya-maya ay nahati ang puno sa gitna at inuluwa ang isang babae. Nababalot ito ng isang malagkit na parang laway, mabilis akong tumakbo palapit doon at nagulat sa nalaman.

"S-she is not b-breathing" nauutal na sabi ko kaya nagtakbuhan din sila palapit sa akin.

Kaagad na tumalima ang mga kawal at binuhat ang Prinsesa, mabilis kameng lumabas ng isla at nakabalik sa palasyo.

Kaagad kameng sinalubong ng hari at reyna at nang malaman nila ang balita ay kaagad silang nagpatawag ng taga gamot. Kame naman ay tahimik na dumeretso sa Living area.

"What if she is dead?" Biglang sabi ni Clara kaya napatingin kame sa kaniya.

"I hope she is not" malungkot na sabi ko. Pagkatapos noon ay wala ng nagsalita sa aming muli hanggang sa lumipas ang ilang oras at dumating ang isang babae.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now