Chapter 22

239 14 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa maagang pambubulabog ni Clara sa akin, naging hobby na niya yatang katukin ako sa napaka agang oras para hindi kame ma late. Okay nadin dahil at least maganda ang record ko dito kesa doon sa mundo ng mga tao, speaking of mundo ng mga tao bigla kong naaalala si Andre. Kamusta na kaya ang babae na iyon? Bumuntong hininga ako at kinuha ang tuwalya para maligo.

Pagkatapos kong mag ayos sa sarili ay isinuot kona ang rubber shoes, PE uniform daw kasi ang dapat naming suot ngayon.

"Ang bagal mo talaga kahit kailan!"

Napatigil ako at kumunot ang noo, napatingin ako sa Living area namin at nagulat ng makitang kumpleto sila doon maging si Vladi ay nakangising nakatingin sa akin kaya kaagad akong nakaramdam ng hiya. Bakit ba nakalimutan kong andito na nga pala ang bampirang ito.

"H-hindi naman sinabi sa akin ni Clara, teka bakit ba ako nagpapaliwanag? Sinabi ko bang hantayin niyo ako? Tss" naiiritang sabi ko at padabog na lumabas.

Narinig ko naman ang mahinang tawanan nila kaya mas lalo akong nainis, ang aga-aga mga buwiset!

"Saan punta mo?" Tanong ni Clara na nakatabi na pala sa akin, nagtataka ko siyang tinignan.

"Malamang sa room? Sabog kaba?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Inirapan niya ako, napahawak ako sa noo ko nang pitikin niya ako don at hilahin palapit kela Calix na  hinahantay kame. Pagdating doon ay kaagad akong lumapit kay Vladi.

"Goodmorning!" Bati ko sa kaniya, nginitian niya ako "morning" sagot niya.

Magsasalita pa sana ako ngunit bigla kameng nag teleport kaya pagdating namin sa palasyo ay masama ang tingin ko sa kanila, ni hindi manlang ako sinabihan na mag teteleport pala kame?!.

Pero teka anong ginagawa namin dito?

Magtatanong pa sana ako nang bumukas ang malaking pintuan at lumabas doon ang hari at reyna na may hawak na papel.

Mukang alam kona kung saan ito patungo.

"Mission" bulong ko. At tama nga ang hinala ko ng sabihin na iyon ng reyna.

"Kailangan niyong pumunta sa mundo ng mga tao ngunit kailangan niyo ding bumalik mamayang gabi" aniya na nakapag patigil sa akin.

M-mundo ng mga tao??

Ibig sabihin makikita ko si Andre?

"S-saan po kame pupunta?" Kinakabahang tanong ko.

Ngumiti ang reyna kaya mas lalo akong kinabahan. "Sa Dati mong School Joshia ngunit hindi ka pwedeng magtagal doon dahil isa itong mission. Pwede mo ring daanan saglit ang bahay mo ngunit aalis din kayo kaagad" aniya

Mabilis akong tumango at hindi makapaniwala sa narinig, pinayagan niya akong makapunta sa bahay!!! Kahit sandali ay masaya padin ako.

Ipinaliwanag niya sa amin ang mission, sinabi niya na may nababalitaan daw na mga Taga hermonio ang pakalat-kalat doon at kumikitil ng buhay. Naisip ko din na baka konektado ito doon sa kaso sa lugar nila Vladi ngunit ang ipinagkaiba ay hindi kinukuha ang bangkay kundi ang dugo at ibang laman loob lang neto. Kapag naalala ko iyon ay para nanaman akong masusuka.

Hindi kame nag aksaya at mabilis na tinahak ang portal patungo sa mundo ng mga tao, mukang ito din iyong dinaanan namin nung unang dating ko dito. Kaya tsaka pala naka PE uniform kame ay para hindi magtaka ang ibang makakakita sa amin, hindi daw kasi pwedeng ilabas ang school uniform namin dahil baka gayahin sa mundo ng mga tao. Ang aarte!

"O-omg.." bulong ko nang makadating kame sa bandang magubat na parte malapit sa school, doon daw muna kasi kame pupunta upang kitain si Dean, dean padin pala siya dito.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now