Chapter 33

235 14 0
                                    

Maaga kameng pinatawag sa Deans office dahil kakausapin daw kame ni Sir Hernandez, may clue na ako kung anong sasabihin niya ngunit nanatili lang akong tahimik hanggang sa makarating kame doon

Ilang linggo na ang nakalipas at balik na ang lahat sa normal, patuloy padin ang operation hanapin si Andre dahil nga siya ang Lady of Dragon at ang mapunta siya sa kalaban ay talagang nakakabahala. Kasama si Elijah sa mission na iyon kung kaya anim lamang kame ngayon na pupunta sa Deans office.

"Ang aga nanaman, sira na ang beauty rest ko" angal ni Clara ngunit ealang pumansin sa kaniya, tahimik ang lahat dahil mga inaantok pa lalo na ako.

Hirap na hirap panga akong bumangon kanina, kung hindi lang ako tignan ng masama ni Ash ay hindi pa ako babangon. May masungit side din pala ang isdang ito.

"Kailan kaya tayo makakapag relax? Iyong as in relax talaga" tanong ko sa dalawa.

"Soon" ani Ash at ngumiti sa akin.

"Charizel" tawag sa akin ni Calix kaya napatingin ako sa kaniya, kumunot ang noo ko nang hindi siya nagsalita ngunit nakatitig lang sa akin.

"Lets talk later"  aniya sa isang seryosong boses kaya nakaramdam ako ng kaba, may ginawa ba akong kalokohan this past few days? Shocks! Baka bugahan niya ako ng apoy.

"Dont worry, its just about us" aniya kaya naguluhan ako.

Anong about us? Anong sinasabi niya?

Hindi ko nalang siya pinansin, kung ano man ang masamang espiritu ang sumanib sa kaniya ay sana umalis na. Naguguluhan nanaman ako sa inaasta ni Calix, nagsimula ito nung umuwi kame galing kay Isabelle. Naging sweet na siya sa akin, minsan. Minsan lang.

"Baka aamin na sayo" ani Clara at siniko pa ako. Kaagad akong nakaramdma ng hiya kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"Huwag ka ngang epal" sabi ko nalang sa kaniha at hindi na nagsalita dahil dumating na si dean.

Kakauwi lang niya mula sa Mission, isa kasi siya sa mga professor na pinadala sa Himperio upang mag matsag.

"Goodmorning students" aniya, himala at hindi mukang nababaliw si Sir ngayon.

"Nahanap na namin si Andre ngunit nakakulong siya sa tuktok ng palasyo ng Hermonio at hindi iyon basta-basta mapasok dahil once na sugudin namin iyon ay mamamatay kameng lahat" aniya sa isang mahinahon ngunit seeyosng boses.

Napalunok ako, anong klaseng palasyo ba iyon at mamamatay ang lahat ng papasok.

Andon nanaman siya..

" Ngunit hindi na iyon mahalaga, dahil napag alaman namin na hindi totoong Lady of Dragon si Andrea at pinag panggap lamang siya ng mga taga Himperio.. aniya kaya tuluyan akong natigilan, maging sila Calix ay hindi nakapag salita.

"Ang nakakasama ninyong Andre ay clone lamang at ang totoong Andrea ay hawak ngayon ng mga taga Hermonio" dagdag pa niya at tinignan akong maigi.

Hindi ko alam kung paano ako mag rereact, kaya ba naguguluhan ako sa ugali niya nung mga panahong andito pa siya? Dahil hindi talaga siya iyon? Napahawak ako sa muka ko at napahilamos.

"Relax" bulong sa akin ni Calix at hinawakan pa ang kamay ko, pinisil-pisil niya iyon na para bang pinapakalma ako.

"Alam ko" biglang sabi ni Ash kaya napatingin kame sa kaniya.

"Alam ko, namin na impostor ang babaeng iyon. Hindi lamang sinabi ni Ina sa inyo dahil baka lalo kayong mapahamak. Kilala ko siya, kilalang-kilala" dagdag pa niya at tumungo.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon