Chapter 5

346 20 1
                                    

" Mommy sino po ang dragon na ito?" Masayang tanong ng isang bata habang hinihimas ang batang dragon.

Kulay Maroon ang mata neto at may mahabang sungay ngunit hindi nakakatakot ang itsura.

Napakurap-kurap ako nang mag bago ang Setting ng lugar, nagkaroon bigla ng isang palasyo sa gitna ng dagat at mayroong mga nagliliparan na mga dragon sa paligid, iba-iba ang kulay nila at napaka ganda nilang pagmasdan.

"Mommy ang dami nila!"

Tuwang-tuwa na sigaw ng batang babae habang itinuturo ang mga dragon na lumalabas isang palasyo ngunit maya-maya ay bigla itong gumuho, nagkaroon ng usok at malakas na pag sabog  mula sa loob ng palasyo..

CALIX POV

"Hindi siya magising Calix ano ang gagawin natin?" Natatarantang tanong ni Clara habang tinatapik ang kaibigan na isang araw nang natutulog.

Tahimik ko lamang na pinag mamasdan ang muka niya na unti-unti ng nayuyukoy, maya-maya ay nag pa linga-linga ang ulo neto kaya nataranta ang tatlo na kanina pa hindi mapakale.

"Mommy!!"

"Mommy!!"

Sigaw niya ngunit hindi parin ito nag mumulat ng mata, tama  ang hula ko.

"May naglagay sa kaniya sa bangungot" Bigla kong sabi kaya napatingin silang tatlo sa akin pagkatapos ay kay Joshia.

Kanina ko pa iniiisip kung ano ang nangyayari sa kaniya, noong una ay hindi siya nag papakita nang kahit ano mang sintomas nungit nang sumigaw siya ay alam ko na.

 Lumapit ako sa kaniya at kaagad siyang binuhat.  "Kailangan natin siyang dalhin kay Inang Reyna dahil kapag tumuntong ang Alas dose at hindi pa siya nagigising ay makukulong na siya sa bangungot kung nasaan siya" Sabi ko kaya kaagad silang lumapit sa akin at kaagad kameng nag teleport papunta sa palasyo.

"Ano ang problema anak ko" Tanong ng Reyna ng makita kame.

Tumigil ang mga mata niya kay Joshia na hawak ko kaya agad siyang tumalima at dinala kame sa Banal na Lugar na tanging ang may banal na dugo lamang ang makakapasok.

"Maaari nating subukan" aniya kaya nagmadali kameng pumunta sa lagusan at ng tumagos ang katawan ni Joshia ay nagkatinginan kame. Hindi kaya....

"Iwan mo muna ang isipin na iyan anak, wala ng oras. Malakas ang nagkulong sa kaniya" Biglang sabi ni Ina, tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating kame doon. Kaagad kong nilapag si Joshia sa flower bed at kaagad na sinimulan ni Ina ang ritwal.

Pinapanood ko lamang si Ina at si Joshia na nakalutang na habang pinapaligiran ng mga paru-paru at buhay na mga bulaklak. Ngaliliwanag din ang katawan niya tanda na umeepekto na ang ritwal na ginawa ni Ina.

"Is she your friend?" makahulugan niyang tanong ng matapos sa ginagawa ngunit hindi ko iyon sinagot.

Is she my friend?

JOSHIA POV

Agad akong napamulat ng mata, pawis na pawis ako at uhaw na uhaw kaya kaagad akong tumayo. Inilibot ko ang mga mata ko at napagtantong wala ako sa kwarto namin ni Clara.

Naalala ko nanaman ang mga panaginip kong parang totoo, pakiramdam ko ay totoong nangyari ang panaginip na iyon  ngunit sino sila? Bakit ko iyon napapanaginipan?

Bumuntong hininga ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto, wala manlang itong bintana o pintuan kaya pala sobra ang pawis at pagka uhaw ko.

"Clara"

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLDove le storie prendono vita. Scoprilo ora