Chapter 3

421 21 1
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa pagkatok ni Clara sa pintuan ko, kumunot ang noo ko ng mapansing alasais palang ng umaga.

"Aga naman!" Naiinis na bulong ko habang inaayos ang sarili bago lumabas.

"Goodmorning Joshia pasensya kana kung maaga kitang ginising pero kailangan e, maaga ang pasok natin. Kailangan mo pa kasing pumunta sa ID station, nakalimutan natin kahapon" aniya sa nahihiyang boses.

Ngumuso ako at tumango, nagpasalamat ako sa kaniya dahil ginising niya ako kundi ay malelate ako. Pumasok ako sa kwarto at nag umpisang maligo pagkatapos ay isinuot ang uniform.

"Ang sexy ko yata err" sabi ko sa sarili at mahinang tumawa.

Nakakahiya Joshia! Masyadong buhat na buhat mo ang sarili mo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at kaagad na nahanap ng mga mata ko si Clara na nakangisi. Napapikit ako ng tumili siya at lumapit sa akin.

"Grabe ang ganda mo nanga ang sexy mo pa! Masyado kang pinagpala ng bathala Joshia" aniya habang tinitignan ako.

Kaagad akong nakaramdam ng hiya, seryoso ba siya sa sinasabi niya? Hinawakan ko ang muka ko dahil pakiramdam ko ay namumula ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinupuri.

"Wag mo akong biruin! Mas maganda ka kaya" sabi ko sa kaniya kaya ito naman ang nahiya at namula pa.

Natawa ako, ang cute niya kapag namumula.

"Tama na ang bolahan girls, tara na"

Sabay kameng napalingon sa nagsalita, napaawang ang labi ko ng makita ang magkapatid kasama si Calix. Seryoso ang muka neto at mukang pinag bagsakan ng langit at lupa.

Wala namang bago doon. Forever masungit.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Clara habang kinukuha ang bag, kinuha ko din ang bag ko at inayos ang pagkakatali ng boots ko.

"Pinasundo kayo sa amin ni Dean, hmm i mean si Joshia." Ani Lian at namula pa ito. Ngumuso ako at tumingin kay Clara na hindi mapakali sa pwesto niya. Kinuwit ko siya at pinandilatan ng mata.

"Kumale ka!" bulong ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

"Bakit?" Tanong ko ng bumaleng ako sa tatlo.

Nagkibit balikat si Railey "Since mag kakaklase naman tayo sabi ni Dean ay sasabay na kayo sa amin palagi. Bukod sa bago si Joshia ay kame ang magtuturo sa kaniya ng mga kailangan niyang malaman"

Napatango nalang ako bilang sagot, nang mag umpisa na silang maglakad ay tahimik kameng sumunod ni Clara. Dumeretso kame sa isang building na may limang palapag.

"Sana hindi sa pang 5th floor ang tungo natin" mahinang sabi ko kay Clara kaya natawa siya.

Sa awa ng Diyos ay sa pangalawang palapag lang. Kaagad na natahimik ang buong room sa pagdating namin. Ang iba ay nakatingin sa mga kasama ko at ang iba ay sa akin.

Marahil nagtataka kung sino ba akong magandang dilag. Charot

"Who's that girl?" Tanong ng isa na halatang maldita, may makapal itong make up na kung titignan mo ay parang clown. Mas maikli din ang suot netong palda at parang crop top pa ang style ng top niya, tinaasan ko siya ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa. Nakipagtitigan pa siya sa akin pero kaagad din siyang nawala sa paningin ko ng humarang si Calix.

"Huwag kang makipag titigan sa kaniya, magiging bato ka" aniya sa seryosong boses.

Kaagad na tumayo ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa takot, sa muka niya ay hindi siya nagbibiro kaya napalunok ako.

"Sayang!" Rinig kong sabi nung babae kaya nagtawanan sila.

Mariin akong pumikit at bumuntong hininga, muntik na ako doon.

Hindi ako nakaimik hanggang sa higitin ako ni Clara papunta sa bandang unahan, sumunod din sa amin iyong tatlo at magkakatabi kame sa isang pwesto.

Hindi ako nagsasalita, kung hindi ako kakausapin ni clara ay wala silang maririnig na kahit ano sa akin. Hindi parin ako maka move on sa nangyari kanina, kung hindi humarang si Calix ay baka bato nanga ako.

"Hi anong name mo?"

Tanong ng isang babae na may maikling buhok, napaawang ang labi ko nang makita ang golden brown netong mata. Tinitigan ko ang babae na lumapit ngunit ng maalala ko nanaman yung babae kanina ay kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"Ummm dont worry wala naman akong gagawing masama sayo, i just want to know your name because you are newbie" aniya habang nakangiti.

"Umm Charizel Joshia but you can call me Joshia" mahina at may pag aalinlangan na sabi ko.

Tumango siya " nice meeting you, ako si Luna. Lady of Land" aniya

Tumango lang ako bilang sagot at panay ang iwas ng tingin sa kaniya, mahirap ng magtiwala lalo na sa mundong ito.

"Okay, nice meeting you too" sabi ko at nginitian siya, kinakabahan padin.

"Lady of ano ka?" Tanong niya na nakapag patigil sa akin.

Malakas ang pagkakatanong niya kaya maging ang iba ay napatingin sa amin, marahil interesado din sa isasagot ko. Pero anong isasagot ko sa kanila?

Napatingin ako kela Calix na nakatingin na din sa akin, mukang kanina pa nila kame pinapanood ng babaeng nasa harap ko. Ngumuso ako at sasagot na sana ng maunang nagsalita si Calix.

"Lady of Nature, so Luna stop and go back to your fucking seat!" Aniya sa galit na tono kaya si Luna ay nagmamadaling tumakbo palayo sa amin.

Ako naman ay nanlalaki ang mata habang nakatingin sa kaniya, nakakatakot pala ang lalake na ito kung magagalit.

Nanatiling tahimik ang lahat pwera sa mga babaeng nasa likod na nagkekwentuhan hanggang sa dumating ang Professor namin. Nang makita ko ito ay kaagad na umawang ang labi ko at nagtataka siyang tinignan dahil sa suot netong long gown, may party ba siyang pupuntahan? o baka ganiyan talaga ang uniform ng mga guro dito?

"Siya si Diyosa Lira, isang diwata" mahinang bulong sa akin ni Clara kaya napaawang ang labi ko.

Ano daw? Diwata? Wow. Kaya pala napaka ganda neto at literal na kumikinang ang laylayan ng suot niya.

"Oh, new student. What is your name?" Aniya habang nakatingin sa akin.

Lumunok ako bago tumayo. "I am Charizel Joshia Madrid" maikling pagpapakilala ko, tumaas ang kilay neto na parang may hinihintay pang sabihin ko.

Bumuntong hininga ako. "Lady of Nature" walang buhay kong sabi, tumango ito at ngumiti pagkatapos ay sinenyasan akong maupo.

"Let me introduce myself. I am Diyosa Lira, i am your Professor in History" aniya habang nakatingin sa akin na parang sa akin siya personal na nagpapakilala.

Sabagay, siguro ay kilala na siya ng ibang estudyante.

Nagsimula ang Lesson namin tungkol sa History ng School hanggang sa napunta kame sa mga grades and sections na meron dito.

"The Academy had three grades at bawat isa doon ay may tag tatlong sections. First is the Warrior which is kayo, ang section niyo ay Warrior 1 habang ang dalawa pa ay Warrior 2 at commoner 1 kung saan napapasok ang scholar ng bayan. Second is the Legend na may sectiong Legend 1 and 2 and Commoner 2. Lastly is the Mythic, may Section Mythic 1 and 2 at ang Commoner 3" mahaba niyang litanya

Parehas lang pala sa mundo ng mga tao pero kakaiba ang tawag sa grade and section dito. Nabanggit din niya ang tungkol sa Mission kaya daw may mga Training kame. Napa buntong hininga nalang ako habang inaabsorb ang mga information na nalalaman ko. Hindi pa nga ako nakaka move on sa nalaman ay ito nanaman. Parang nag back to zero ang utak ko dahil wala talaga akong maintindihan sa mag sinasabi niya.

Mabilis na natapos ang klase namin at kaagad kameng dinismiss, kasunod noon ay ang weaponry. From the word itself weapon, pag aaralan namin ang mga armas tapos tuturuan kameng gamitin. Kakaiba din pala ang mga subject sa lugar na ito, buti nalang at walang math.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now