Chapter 19

290 13 0
                                    

JOSHIA'S POV

"Last check up mo na ito Joshia" sabi sa akin ni Rhia kaya tumango ako, isang linggo na din ako dito sa clinic dahil sa nangyari. Hanggang ngayon ay galit padin ako, galit ako sa sarili ko dahil ang tanga ko. Hindi ko manlang napansin na may kakaibang kinikilos ang dalawang babae na iyon pero nalaman ko din na hindi pala sila ang may gawa non kundi ang demonyong lalake na iyon..

Nalaman ko din ang dahilan niya na talagang ikinagalit ko, mabuti nalang at iginanti ako ng Phoenix. Actually hindi naman talaga ako natuwa sa revenge nila pero na realize ko na buhay ko ang balak niyang kunin, kung tutuusin ay kulang pa nga ang ganti ko. 

Naglalakad na ako ngayon papunta sa likod ng Academy, andito kasi ang Phoenix para sa punishment nila, binigyan sila dahil sa pang bubugbug don sa demonyong iyon pero invalid pa din daw dahil wala kahit sino sa amin ang may karapatang mag bigay ng parusa pwera sa mga nakatataas.

"Last day" bungad sa akin ni Clara at sumimangot, nag pupulot kasi sila ng mga tuyong dahon. Iyon ang parusa nila, linisin ang buong academy at ito ang huling bahagi.

Ngumiti ako at tumulong na sa kanila sa pagpupulot. Akmang pupulutin kona ang hulig dahon na nakita ko ng pigilan ako ni Calix.

"Upo." aniya at iniabot ang isang bangko. Kumunot ang noo ko, simula nung makalabas ako sa clinic ay ganiyan na siya. Weird.

"Okay na ako, look" sabi ko at tumalon-talon pa pero hindi niya na ako pinansin. Umirap ako at pasimple nalang na nagpulot kahit nakaupo, ang lakas naman kasi ng trip niya.

Pagkatapos nilang maglinis ay dumeretso kame sa canteen, nagugutom na daw kasi sila at sumama nadin ako dahil nagugutom na din ako.

----

Nakaupo lang ako sa sofa habang kumakaen ng strawberry, wala kasi kameng klase ngayon kaya napag desisyunan namin ni Clara na manood ng horror movie. Wala din kasi akong magawa bukod sa matulog at maglinis ng kwarto.. ayaw ko din namang lumabas dahil umuulan, nakaka tamad.

"Wala kang gagawin ngayon?" Tanong naman ni Clara na tumabi na sa akin, napatingin ako sa hawak niyang caramel pop corn.

"Wala, ayaw ko naman lumabas" sagot ko pagkatapos ay kumuha ng pop corn. Tumango siya, pinag masdan ko siya ng tumayo siya at isinalang ang isang CD.

"Anong title?" Tanong ko sa kaniya.

Tinignan ako neto at ngumisi. Ipinakita neto sa akin ang isang bala at nanlaki ang mata ng makita ang title noon.

"Aswang, shit ka Clara wag iyan!" Naiinis na sigaw ko sa kaniya at akmang aagawin ang CD ng mabilis niya iyong isinalang. Kaagad na nag play ang palabas at halos mahimatay ako sa bumungad.

"WAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" Malakas na sigaw ko nang may lumabas na panget na muka ng aswang, basag ang muka niya at dilat ang mata habang duguan ang muka at nakalawit ang mahabang dila, kinuha ko ang unan at isiniksik ang sarili sa gilid ng Sofa.

Mariin akong napa pikit "Clara, Please" naiiyak na sabi ko sa kaniya. Sinilip ko siya, nakatingin ito sa akin at nakangisi.

"No, ito ang papanoorin natin" aniya at tumawa pa ng malakas.

Tinignan ko siya ng masama "humanda ka sakin pagtapos niyan" pag babanta ko sa kaniya pero ang gaga ay tumawa lang.

Sabay kameng napalingon sa pintuan ng biglang may kumatok, dahan-dahan iyon na malakas. Napapikit ako, huhu ganon kumatok yung mga multo sa mga horror movie.

"Clara buksan mo!" Utos ko sa kaniya

"Ayoko nga! Ikaw na" angil niya at tumingin sa pinapanood.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now