Chapter 16

263 12 0
                                    

Ngayong araw ay pauwi na kame sa Hermania, sila na daw kasi ang bahala sa mga iba pang problema.

"Here"

Napalingon ako kay Vlad, napangiti ako nang makita ang hawak netong strawberry waffle.

"Salamat!" Maligayang sabi ko at kinuha ang waffle. Itinabi ko ito sa bag ko at nagpaalam na sa kaniya.

"Hanggang sa muli nating pagkikita" aniya bago ako tuluyang makapasok sa karwahe, nginitian ko siya at kinawayan.

"Hanggang sa muli Vladimir" sabi ko, hindi panga ako papasok kung hindi lang tumikhim si Calix. Inirapan ko siya, panira ng moment.

" May crush ka ba kay Vlad?" Tanong ni Calix, kumunot ang noo ko.

"Ano naman sa iyo? Tss wala akong gusto don" sabi ko at humalikipkip sa gilid.

"Wala pero kung mag tinginan akala mo ay wala ng bukas" aniya

Hindi maka paniwalang tinignan ko siya "ano naman sa iyo?" Naiinis na tanong ko.

"Ehem jealous" parinig ni Lian kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko, ngingiti-ngiti ito na parang nahihibang. Tumigil lang siya nang tignan siya ng masama ni Calix ako naman ay umayos nalang sa pag kakaupo.

Naging mabilis ang byahe namin pabalik sa barrier, kaagad akong napangiti nang makita sila Titus.

"Hello!" Bati ko sakanila, kaagad silang napalingon sa akin at ngumiti.

"Crazy" bulong ni Calix pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko. Umirap nalang ako at hindi na siya pinansin. Kaagad akong sumakay kay Titus at mabilis itong lumipad pabalik sa Academy.

Pagdating doon ay bumungad sa amin sila Dean kasama si Head master Zeus, ang hari at reyna maging ang ilang estudyante.

"Caliiiiiix, namiss kita" matinis na sigaw ni Shaira kaya kaagad akong  nainis, napairap ako nang pumulupot ito kay Calix na parang sawa.

"Kahiya ka gorl" bulong ni Clara na hindi nadin maipinta ang muka, malamang ay naiinis na din.

"Maligayang pagbabalik mga bata" sabi ng Reyna.

"May pagtitipon mamaya sa palasyo dahil sa pagbabalik ninyo, pumunta kayo" anyaya pa nito.

Ngumuso ako, ayoko sa anumang pagtitipon higit sa lahat ay pagod ako.

Nag-usap lang sila sandali at pinakawalan na kame, nag-umpisa na akong maglakad papalayo sa kanila pero hindi pa ako nakakalayo ay may tumawag sa akin, kunot noo ko iyong nilingon.

"Pumunta ka, hahantayin kita" sabi ni Calix, mas lalong kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay Shaira na masama na ang tingin sa akin, inirapan ko sila at hindi na pinansin. Bahala kayo jan.Mabilis kameng naglakad ni Clara papunta sa dorm, pagdating ay kaagad akong nahiga at nakatulog.

--

"Violet tulong!" Sigaw ng isang batang babae, nadag anan ang mga paa neto ng mga tipak ng bato na nanggaling sa gumuhong palasyo.

Kaagad na lumapit ang tinatawag niyang Violet at ginamit ang buntot neto para maalis ang mga bato. Kaagad na binuhat ng dragon ang bata at dinala sa mag asawa na umiiyak na.

"Violet ilayo mo kame dito" umiiyak na sabi ng ginang at sumakay sila sa likod ng dragon at nag simula silang lumipad papalayo doon.

Iniwan nila ang wasak na palasyo at mga taong wala ng buhay, tanging sila nalang  tatlo at ang dragon ang nabuhay.

Tumigil sa pag lipad ang dragon ng makarating sila sa isang hindi niya kilalang lugar, bumaba sila habang buhat ang walang malay na bata.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now