Chapter 23

242 14 0
                                    

Kaagad gumalaw ang mga kasama ko at pinaalis muna ang ibang mga estudyante na nakiki usisa, ayaw panga nila dahil hindi naman daw kame mga pulis para paalisin sila pero nagalit si Calix, sino ba naman ang hindi matatakot pag nagagalit si Calix? Ako lang yata.

Napatingin ako kay Clara nang iabot niya sa akin ang gloves, hindi ko naman alam na magiging imbestigador pala kame ng bayan.

"Joshia!"

Napaigtad ako nang sigawan ako ni Calix, inirapan ko siya at akmang magsasalita na nang lumapit sa akin si Clara na nakangisi.

"Lovebirds later na ang LQ, suot mo ito" aniya at inabot sa akin ang isang gloves. Inirapan ko siya at isinuot ang gloves tsaka sumunod sa paglalakad papunta sa mga bangkay.

Naamoy ko palang sila ay nasusuka na ako, bakit ba kasi napapadalas ang pag encounter namin sa mga patay?

"Shit, they are all ugly!" Mahinang bulong ko at nag-iwas nang tingin sa mga bangkay. Kung tama ang hinala ko ay mga lalake sila, wasak nadin kasi ang mga muka nila at nahihirapan kameng makilala.

"Look, the tattoos" biglang sabi ko kaya napatingin sila sa akin, lalapitan na sana iyon nila Vladimir nang pigilan sila ni Clara.

"Hindi natin sila pwedeng hawakan basta-basta, pinagtitinginan na nila tayo." Aniya at itinuro ang mga estudyante na nag bubulungan habang nakatingin sa amin. Ang iba ay sigurado akong kinukunan kame ng pictures and video. Malamang ay nagtataka kung sino ba kameng mga estudyante na umaaktong mga pulis, napailing nalang ako.

"Gawin niyo na"

Sabay-sabay kameng napatingin kay Dean na naglalakad na palapit sa amin, nakapamulsa pa ito habang naninigarilyo. Inilibot ko ang ang tingin at nanlaki ang mata ng makitang nakatigil ang lahat at kame lang ang naka gagalaw. Ngunit nawala doon ang pansin ko nang makalapit si Dean,Kumunot ang noo ko at kaagad na lumayo sa kaniya nang maamoy ang mabahong  usok ng sigarilyo.

"Why?" Biglang tanong ni Calix kaya napatingin ako sa kaniya, sa likod niya pala ako napunta.

"Ang baho e! Ayoko ng ganoong amoy" pagpapaliwanag ko, tumango siya at ibinalik na ang tingin sa mga bangkay.

"Red eye tattoo?" Nagtatakang tanong ni Vladi habang iniinspeksyon ang braso ng limang biktima.

Lumapit nadin ako at ginaya ang ginagawa nila, tiniis ko nalang ang amoy dahil hindi naman iyon masyadong masangsang dahil wala nadin silang laman loob.

"Red eye is the name of Gang in this city, their goal is to kill people na nakaka away ng mga matataas na tao dito sa mundo ng mga tao. In short binabayaran sila para pumatay" 

Literal na napa O ang bibig ko dahil sa gulat, binabayaran silang pumatay eh bakit parang sila naman ang pinapatay ngayon?

Akmang hahawakan ko ulit ang bangkay nang pigilan ako ni Dean, umiling ito at biglang tumingin sa kalangitan. Mag gagabi na pala at mukang alam kona ang susunod niyang sasabihin.

"You guys need to go home, tapos na ang mission niyo." Aniya at pumalakpak.

Kumunot ang noo ko, nagkatinginan kameng anim. Anong mission? Wala panga kame nagagawang mission.

"Eh Dean? Wala pa naman kameng nagagawa" pagrereklamo ko.

Ngumisi ito. "Ang mission ninyo ay bantayan ang school for a while, kasi nabalitaan namin na balak sumugod ng mga taga hermonio dito" aniya kaya napatango ako.

"Bakit naman sila pupunta dito sa mundo ng mga tao?tsaka paano ang mga bangkay na ito" Nagtatakang tanong ni Calix.

"Because the princess of dragon land is studying here, hindi pa naman kame sigurado kaya inoobserbahan pa namin. About sa mga bangkay, Silvanna Elite will come para kunin sila" Aniya kaya natigilan ako.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now