Chapter 21

259 12 0
                                    

PS: THE PICTURE ABOVE IS FOR REFERENCE OF JOSHIA'S MINNIE TRANSFORMATION:)

CTTO: [LAS-T] 2019 Nïenn © by Rare-Imaging Nienn

---

"WAHHHHHHHHHHHHHHHH"

Nagkatinginan kame ni Clara at sabay na napatakbo papunta sa Open field, umawang ang labi ko ng makitang nagkakagulo doon. Madami din ang mga nagliliparan na mga lalake na may sungay ng toro.

"Shit! Sila iyong sumugod din dito nung nakaraan" wala sa sariling sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa Field.

"Joshia magtago ka!" rinig kong sabi ni Violet, kahit naguguluhan ay naghanap ako ng pagtataguan, nakita ko ang garden na walang tao kaya pumunta ako kaagad doon.

Nanlaki ang mata ko ng lumiwanag ang katawan ko.Napaawang ang labi ko ng biglang nag iba ang suot ko, naging blue ito na mabalbon, nagkaroon din ako ng dalawang sungay at ang buhok kong brown talaga ang kulay ay naging Ash gray na may stripe na blue. Napakurap-kurap pa ako habang tinitignan ang braso ko na nag mistulang balat ng dragon. Wtf?

"Joshia huwag kang magpapakita kahit na kanino, hindi nila pwedeng malaman kung sino ka talaga."

Napalingon ako sa nagsalita, nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Black iyon at si Violet. Lumabas sila sa katawan ko? Pero wala nang oras kaya mabilis akong lumabas ng garden ng walang nakakapansin. Dumeretso ako sa lumang building at pinagmasdan ang field.

Nakita ko din doon sila Calix na pilit pinoprotektahan ang mga estudyante, maging ang hari at reyna ay andoon na din. Huminga ako ng malalim, kaya mo iyan Joshia!

"Tutulong kame doon Joshia!" Sabi ni Black kaya napalingon ako sa kanila.

"Baka makita nila kayo!" Pag pigil ko.

"Ayos lang na makita nila kame, ang masama ay kapag nalaman nila kung kanino kame nagmula" ani Violet at tuluyan na akong iniwan doon.

Mabilis silang lumipad papunta sa Field, napatingin sa kanila sila Calix at medyo nag panic pa pero nang bugahan nila Violet ng apoy ang mga kalaban ay kumalma sila at bumalik sa pakikipag laban.

Huminga ako ng malalim at dinama ang paligid, marahan kong ipinikit ang mata ko at pagmulat noon ay saktong tama ng mga kidlat sa kalaban na kaagad nilang ikinamatay.Mabilis ang mga naging pag atake ko kaya mabilis din na naubos ang mga kalaban. Napabuntong hininga ako nang makitang ubos na sila. Unti-unting kumalma ang paligid at ang kasuotan ko ay bumalik na sa dati maging ang buhok ko.

"Maraming salamat Violet at Black" mahinang sabi ko nang maramdaman ang enerhiya nila na bumalik sa loob ko. Ako naman ay mabilis na tumayo at umalis sa lumang building at dumeretso sa mga nagkakagulo na estudyante.

Maya-maya ay dumating ang mga healer para tulungan ang mga sugatang estudyante.

"Nasaan si Joshia?" Rinig kong tanong ni Calix, lumingon-lingon ito sa paligid at nang magtama ang mga mata namin ay kaagad itong lumapit sa akin. Kinabahan ako.

"Saan ka galing?? Kanina pa kita hinahanap!" Bakas sa boses neto ang galit.

Napalunok ako, alam ba niyang wala ako dito kanina?

"A-ah andito lang ako kanina pa!" Kinakabahan na sagot ko, pleasse Calix maniwala ka!

Nakahinga ako nang maluwag ng hindi ito umimik at hinila ako papunta kela Clara.

"Saan ka galing? Nagkahiwalay tayo" tanong ni Clara, hindi ako umimik. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Huwag na nating problemahin kung saan siya galing. Ang isipin natin ay kung kaninong guardians ang kaninang itim at violet na dragon" tanong ni Railey na naka agaw ng atensyon ko.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now