Chapter 17

273 14 0
                                    

Nang matapos ang Ability Subject namin ang sumunod naman ay weaponry. Andito kame ngayon ng mga kaklase ko sa Training room at kasalukuyan kameng namimili ulit ng sandata.

"Bow and arrow ang sa akin" sabi ko sa sarili at kaagad na kinuha ang bow and arrow na nakalapag, napangiti ako nang makita kung gaano ito kaganda.

"Sa subject na ito ay mahihiwalay kayo sa isa't-isa sa kadahilanang pag sasama-samahin ko ang mga estudyante na may  sandatang bow and arrow at iba pa."

Paliwanag  ng lalake naming guro, nagtanguan naman kame. Una niyang tinawag ang mga estudyante na may espada at sila Railey, Lian at Calix iyon ang sumunod naman ay latigo at kasama doon si Clara at ang huli at kame na mga bow and arrow. Wala halos nagbago sa mga sandatang pinili namin, bakit nga naman kasi kame pipili ng ayaw naman namin hindi ba?

Dinala kame ni sir sa isang practice room kung saan andoon ang mga makakasama namin sa klase na weaponry.

"Guys this is Elijah ang magtuturo sa inyo kung paano ang tamang paggamit ng bow and arrow, sa mga hindi nakakakilala sa kaniya ay siya ang Lord of Land at nasa Legend siya." Pagpapakilala ni Sir sa lalake.

Pansin ko naman na panay sulyap neto sa akin kaya ng lumapit ito ay hindi na ako nagulat, sana lang ay huwag niya akong buwisitin kagaya ng kapatid niya.

"Hi, you are?" Aniya gamit ang maamo niyang muka.

"Wala kang pake Elijah" masungit na sabi ko sa kaniya kaya tumawa ang loko, humawak pa siya sa tiyan niya at mas lumakas ang tawa kaya nilayuan ko siya.

"Hindi ko kilala ang baliw na iyan" mahinang bulong ko sa sarili.

"The oh so famous Lady of Nature, napaka ganda mo pala ngunit madaling mainis" napangiwi ako sa sinabi niya. Ayaw niya parin talaga tumigil ha.

Halatang gusto niya akong mainis kaya niya sinabi iyon, inirapan ko nalang siya kaya kaagad siyang natawa nanaman. Gumalaw galaw pa ang panga neto na talagang nakapag patigil sa akin. Shocks ang gwapo pala ni Elijah, bakit ngayon ko lang napansin! May binubulong pa siya ngunit hindi kona iyon narinig.

Kinindatan niya pa ako bago tuluyang bumalik sa unahan.

"Group yourselves in to 5" utos niya kaya kaagad namin iyong ginawa.

Nang makumpleto ay pinapunta niya ang bawat grupo sa unahan at pinatira ito.

"Titignan ko kung tama ba ang position niyo at kung marunong ba kayong umasinta"paliwanag niya.

Hindi naman siguro ako mahihirapan dahil sa mundo ng mga tao ay Archery ang sports ko, maigi nalang pala at bow and arrow ang pinili ko. Tsaka ilang beses kona din itong nagagamit sa ilang mga trainings namin.

"Next"

Tawag niya sa grupo namin kaya kaagad akong pumunta doon.

"Position" utos niya na kaagad akong sinunod.

Nilapitan pa niya ang iba kong kasabay dahil sa mali netong postura at ng dumating na siya sa akin ay kinindatan niya lang ako.

Kindat-kindat pa e kung dukitin ko kaya mata niya.

Napatingin ako sa kaniya nang tumawa siya ng malakas, baliw nga siyan tunay. Mukang medyo maluwag ang turnilyo niya sa utak ngayong araw. Napailing nalang ako at nag focus sa puntirya, nakakahiya naman kapag hindi ako naka 10 pts.

Natapos ang klase namin sa kaniya na ganoon ang pinagawa, inayos ko ang gamit ko at akmang lalabas na ng tawagin niya ako.

"Joshia!" Aniya at lumapit sa akin na nakangisi.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon