Chapter 34

228 15 1
                                    

"Hoy Joshia kanina kapa hinahanap ni Calix!" Naiiritang sabi ni Clara sa akin at tinulak tulak pa ako.

Andito kame ngayon sa isa sa mga garden dito sa Academy, kasama ko si Ash, Lian at Clara.

"Bakit ba kasi! Ayaw ko nga magpakita e" naiinis kong sabi sa kaniya

"Bakit moba kasi tinataguan?" Natatawang tanong ni Ash na mukang naaaliw sa ginagawa ko.

Actually simula nung umamin siya sa akin ay iniiwasan o tinataguan ko siya, hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin. Nahihiya ako!

"Kung nahihiya ka teh pwes wag! Ang swerte mo nakay Calix kana" ani Clara at binatukan ako kaya tinignan ko siya ng masama.

"Speaking" ani Lian at tumawa ng malakas, kaagad akong lumingon at kaagad na nanlaki ang mata ko ng makita si Calix na nakasimangot habang nakatingin sa akin.

Kasama niya si Railey, Vladi at Elijah dahil galing silang palasyo. Ang alam ko ay pumunta sila sa bayan at may kinuha doon.

Mabilis akong nagtago, pinagkasya ko ang sarili ko sa ilalim ng batong lamesa na andito sa garden.

"Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa" rinig kong sabi ni Lian.

Napaatras ako ng may umupo sa kaninang inuupuan ko, inilagay niya ang kamay niya sa  matilos na parte ng lamesa na parang may pinipigilan na tumama doon.

"Masakit ang dibdib niyan, nawawala daw puso niya" rinig kong sabi ni Elijah at nag tawanan sila, maging ako ay mahinang natawa. Baliw din e, pwede bang mawala puso niya.

"Paanong nawala ba?" Ani Clara gamit ang mapaglarong boses.

"Dala ni Charizel ang puso ko e tinataguan ako, ayon sumasakit tuloy" aniya sa isang mapaglarong boses. Ang alam ko  nireject ko siya pero bakit parang wala lang, bakit parang hindi siya nasaktan..

Napatungo ako, ang daming alam ng isang ito. Pwede ba namang nasakin ang puso niya. Nilaro ko nalang ang mga damo na nasa paahan ko at nang napansin kong walang nagsasalita sa kanila ay kaagad akong nag angat ng tingin.

" Ay palaka!!" sigaw ko


Halos mauntog ako dahil sa pagkagulat, paano ba naman tumambad sa akin ang muka ni Calix na nakasimangot habang nakatingin sa akin.

"Dahan-dahan, lumabas kana nga jan" utos niya pero umiling lang ako, hindi ako nagsalita pero nanatiling nakatitig ako sa kaniya. Ang gwapo pala niya... Ays bawiin mo iyon Joshia!

"Tama na ang taguan Prinsesa, lumabas kana diyan" aniya at hinawakan ang kamay ko, dahan-dahan niya akong hinila kaya wala na akong nagawa. Napangiti ako ng napansing hindi niya inaalis ang kamay sa kanto ng lamesa na para bang iniingatan na wag akong mauntog doon.

Nang makalabas doon ay naka simangot ko silang tinignan habang sila ay nakangisi sa akin. Napatingin ako kay Vladi na nakangisi din pero kaagad din akong nag-iwas, naalala ko kasi yung araw na umamin siya sa akin. Sinabi niyang gusto daw niya ako pero nireject ko siya kaagad, ayaw ko naman siyang paasahin at sinabi niyang naiintindihan daw niya. Mukang totoo naman, dahil pagkatapos noon ay walang nagbago sa amin.

Mga aamin nalang kasi kung kelang ang gulo ng isip ko..

Bumuntong hininga ako at tinignan sila.

"Bakit kasi kayo nandito? Wala tuloy akong upuan" naiinis  na sabi ko sa kanila.

"Dito" ani Calix kaya napatingin ako sa kaniya, kaagad akong namula at nakaramdam ng hiya nang ituro niya ang hita niya.

Sinasabi niyang doon ako maupo? Duh!

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon