Chapter 25

230 12 0
                                    

"Akala ko ba sa Academy tayo!" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

Lumabas kasi kame kanina dahil pinatawag kame sa secondary palace kung saan nandoon ang magulang nila Lian, binigyan nanaman kame ng Mission. Pero ngayon ay naglalakad kame papunta kung saan.Imbes kasi na lumiko kame ay dumeretso kame. Sa pagkakatanda ko ay papuntang bayan ang tinatahak namin kung hindi ako nagkakamali.

"Pumunta muna tayo saglit sa bayan, may kukunin lang kame" sagot ni Lian kaya napatango nalang ako.

"Nakakapagod kaya maglakad sana ay sa academy na kame dumeretso" sabi ni Clara na sinang ayunan ko naman. Parehas kame ng iniisip.

"Kung ganoon ay bumalik kana" masungit na sabi ni Calix at umirap pa, bakla ba ang isang ito? Ang hilig kasi umirap.

Hindi namin kasama si Andre dahil ayaw daw niya kaya hindi na namin pinilit, si Elijah naman kakauwi lang galing mission kaya hinayaan naming magpahinga samantalang si Vladi ay umuwi sandali sa Himperia. May problema daw pero hindi naman malala kaya hindi na kame sinama.

Napatingin ako kay Clara nang bumulong bulong ito pero hindi ko naman naririnig. Para siyang bubuyog. Napailing nalang ako at tumingin sa dinadaanan.

Nakarating kame sa bayan na sinasabi nila, ito din yung lugar na nakita ko nung unang beses kong makapunta dito. Ngayon ko lang napansin na madami palang nagbebenta ng kung ano-ano dito. Ngumisi ako at lumapit sa isang stall.

"Waffle!" Excited na sabi ko. Pakiramdam ko ay naglalaway ako sa nakikita.

Ang waffle ay punong puno ng strawberry and Jam. Sigurado akong sobrang tamis at ang sarap neto.

"Bibili ka ba? Dalian mo!" Angil ni Calix kaya tinignan ko siya ng masama.Kung nagmamadali siya edi mauna na siya.

"Wala akong pera, tara" nakasimangot na sabi ko at nauna nang maglakad.

"Wait Joshia, Bilhan kita" sabi ni Railey kaya napangiiti ako at mabilis na bumalik doon.

Inabot ni Railey ang bayad sa babae at ibinigay naman neto ang waffle, tinignan ko si Railey na nakangiting pinagmamasdan ako.

"Salamat!" Magiliw na sabi ko, tumango lang siya at nag-umpisa nang maglakad.

Napatingin naman ako kay Calix na nakakunot ang noo, inirapan ko siya at nag umpisa na ding maglakad palapit kela Clara na tuwang-tuwa habang nakikipag daldalan kay Lian.  Ako talaga ang number 1. shipper nilang dalawa.

"Ang sarap!" Bulong ko habang naglalakad.

Halos 30 minutes din kameng naglakad,kung bakit hindi kame gumamit ng teleportation ay hindi ko alam.

Napatingin ako sa Isang lumang bahay na gawa sa kahoy, mahahalata mo ang katagal neto dahil nadin sa mga sirang kahoy at halos makita na ang loob ng bahay.

Marahang kumatok si Calix sa Pintuan, sabay sabay na nanlaki ang mga mata namin ng nasira ang pintuan at malakas iyong bumagsak sa lapag.

"Calix! Nanira ka pa" hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya. Masama niya akong tinignan kaya napalunok ako. Kung nakakamatay lang ang titig neto ay malamang tigok na ako.

"Ang bahay ay luma na hindi ko kasalanan na sa isang katok ay masisira ito" aniya sa isang galit na boses.

"Palusot ka pa" bulong ko pero parang  narinig niya parin iyon dahil inirapan niya ako.

Nang may lumabas na babae doon ay natahimik na ako, itinayo muna neto ang  nasirang pintuan bago kame tinignan.

Nakakahiya! Nasira pa iyong pintuan niya.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now