Chapter 7

323 15 0
                                    

Mga sigawan at pagsabog ang tanging naririnig ko sa paligid, napaatras kame ng  biglang gumalaw ang lupa at nahati ito sa gitna. 

"Nice to see you again, Princess Charizel" aniya at tumawa ng malakas.

Napa atras ako at takot siyang tinignan.

"S-sino ka? Bakit mo ako kilala?" bakas ang takot sa  boses ko ngunit tinatagan ko ang loob ko, hindi ko alam pero may pakiramdam ako na parang nakita kona siya kung saan ngunit hindi ko maalala kung saan.

Tumawa siya bago ako muling tinignan "Hindi mo ba ako naaalala? ako lang naman ang nakaka alam kung nasaan ang mga magulang mo" aniya na nakapag paatras sa akin, tumawa siya ng malakas kasabay ng paghawak ko sa ulo ko dahil sa matinding pag sakit non. 

"Joshia ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Calix ngunit tanging iling lamang ang nasagot ko, pumikit ako at kasabay noon ang pag flash ng isang imahe ng isang pamilya na nasa harap ng isang palasyo, masaya silang nagtatawanan habang naka tingin sa akin na animo ay kinakausap ako. 

"Sino kayo, hindi ko kayo kilala" Mahinang bulong ko, naramdaman ko ang paglabas ng luha sa mga mata ko kaya mabilis ko iyong pinunasan. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Iminulat ko ang mga mata ko at diretsong tinignan ang lalake na nagsasabing alam niya kung nasaan ang mga magulang ko. Naka ngisi ito at mukang naliligayahan sa nakikita.

"Wag kang makipag titigan sa kaniya Joshia!" Galit na sigaw ni Calix kaya napatingin ako sa kaniya. Tumango ako at tumingin na lamang sa paahan ko.

"Hindi na kame magtatagal, gusto lang naman naming siya makilala" aniya at tumawa nanaman kaya kaagad akong napa tingin sa kaniya. Akmang hahakbang ako ng hawakan ni Calix ang kamay ko at umiling, naiiyak ko siyang tinignan. Kailangan kong malaman kung nasaan ang mga magulang ko. Aalisin ko sana ang pagkakahawak niya sa akin ng may narinig akong nakaka kilabot na boses, kaagad kameng napa lingon sa kaniya.

"You better not go back here again" ani ng isang nakakatakot na boses ni Mr. Hernandez

"But, i miss you Hernandez. Magkita tayong muli ha" sagot ng lalake, tumawa pa ito ng malakas bago tuluyang nawala na parang bula.

Bumuntong hininga ako at umalis sa tabi ni Calix, tumabi ako kay Clara na halatang nag aalala sa akin. Umiling ako at tumungo, ni hindi ko manlang naitanong kung nasaan ang magulang ko bago sila umalis.

"Is everyone okay?" Tanong ni Calix at kaagad naman kaming sumagot. Nilapita din niya ang ilang estudyante na nakita niyang sugatan, ganoon din ang ginawa nila Lian at Railey. Gusto ko man silang gayahin ngunit tila ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"Huwag kang maniwala sa mga nilalang na iyon Joshia" seryosong sabi ni Dean kaya napatingin ako sa kaniya. Mariin ko siyang tinitigan at sinubukang basahin ang kaniyang isip ngunit bigo ako. 

"Ano po ang ibig niyong sabihin? alam niyo po ba kung nasaan ang mga magulang ko?" Tanong ko na ikinagulat niya, mukang hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Bbumuntong hininga siya bago ako muling tinignan, kaagad akong lumapit sa kaniya at nag antay ng sagot ngunit umiling lamang siya at tinalikuran na ako. Malungkot kong tinignan ang likuran niya na naglalakad na palayo ngunit saglit siyang tumigil at may sinabi.

"Kailangan mo munang maging malakas bago mo malaman Joshia, iyan ang kondisyon ko" Aniya at nagpatuloy na sa paglalakad. 

Maging malakas. Wala sa sariling napatango ako. Kaagad na nawala doon ang atensyon ko ng makarinig ng malakas na iyak, kaagad akong lumingon at naglakad pabalik kay Clara habang pinagmamasdan si Shaira na iyak nang iyak.

"Arte" bulong ko, inirapan ko siya pagkatapos ay inilibot ang paningin sa paaralan. Madami ding nasirang gusali at mga sugatang estudyante. Bumuntong hininga ako at ibinalik ang tingin kay Shaira na nag iinarte, napairap nanaman ako.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now