Chapter 32

237 15 0
                                    

Nang nasa gitna na kame ng bundok ay napatigil kame sa paglalakad, nag-iiba ang ihip ng hangin at lumalamig ang kaninang mainit na hangin.

"Anong nangyayari" tanong ko sa kanila ngunit hindi sila sumagot.

"Snow" ani Clara kaya naaptingin ako sa kaniya, maging sila Ash ay naguguluhan ding tumingin sa kaniya.

"Bubuhos ang snow ano mang oras, dalian natin sa paglalakad" aniya sa isang seryosong boses kaya kaagad kameng tumalima at naglakad, kulang nalang ay tumakbo kame sa sobrang bilis naming maglakad.

Kanina ay sinubukan naming mag teleport ngunit hindi iyon gumagana dito, kapag sinusubukan namin ay bumabalik lang kame sa pwesto namin kung nasaan kame. Mas binilisan pa namin ang lakad namin ng mas lumakas ang hangin at nagdidilim na ang kalangitan.

"Isuot niyo ang panlamig ninyo" ani Clara kaya tumigil kame sa paglalakad at kaagad na isinuot ang mga panlamig namin, kahit pabigla-bigla si Clara ay kailangan namin siyang sundin dahil sa aming lahat siya lang ang nakakaalam ng tungkol sa snow. 

Nang nakapag suot na kameng lahat ay naglakad na kame ulit at habang patagal nang patagal ay palakas nang palakas ang hangin at may kasama na itong snow.

"Susubukan kong controlin ang hangin" sabi ko at iniangat ang kamay, sa una ay nahirapan ako ngunit hindi nagtagal ay nagamay kona din ito.

"Malakas ang hangin at lumalaban, dalian natin dahil hindi ko ito macocontrol ng matagal" sabi ko sa kanila kaya nagtanguan sila at mas binilisan pa ang lakad.

"Shit" biglang sabi ni Clara nang tuluyang bumuhos ang malalaking tipak ng snow, hindi kona din nakayang controlin ang malakas na hangin kaya napabitaw ako at tuluyan na itong sumampal sa amin. Muntika pa akong matumba mabuti nalang at nahawakan ako kaagad ni calix sa bewang.

"Salamat" sabi ko, tumango siya at tumingin sa ibang kasamahan namin.

" Mag partner-partner kayo. Elijah at Clara mauna kayo, Clara kung kaya mong controlin ang laki ng snow ay gawin mo" utos ni  Calix na kaagad nilang sinunod.

Nasa unahan sila Elijah at Clara dahil sila ang may alam sa mga ganitong bagay, kasunod si Ash at at Railey, Vladi at Lian at kame naman ni Calix ang nasa hulihan. 

"Ang lamig" bulong ko habang naglalakad kame, mukang narinig iyon ni Calix kaya nagulat ako nang hawakaan niya ako sa bewang at ikulong doon, hindi na ako nagreklamo dahil nabawasan ang lamig na nararamdaman ko ng dahil sa mainit niyang katawan.

Nagpatuloy lang kame sa paglalakad hanggang sa marating namin ang tuyong lugar, inikot ko ang paningin ko sa paligid ngunit walang bakas ng snow dito ngunit maya-maya ay bumuhos ang malakas na ulan.

"Shit, dont tell me may ibat-ibang season sa bundok na ito!" hindi makapaniwalang sabi ni Lian, mukang ganoon nanga.

"Magpatuloy na tayo, kaunting lakad nalang ay nasa tuktok na tayo" ani Vladi habang nakatingala, sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko doon ang nag-iisang bahay sa tuktok. Tama siya, malapit nanga kame.

Bigla akong napaupo nang biglang kumulog ng malakas at kumidtlat ng ilang beses. Tumayo lamang ako ng nawala na iyon. 

"Okay kalang?" tanon ni Calix, ngumiwi ako at tinignan siya tska tumango.

"Hmm nagulat lang" sagot ko

"Lakas ng loob magpalabas ng ganiyan tapos takot kadin pala sa ganiyan" aniya at tumawa ng mahina kaya nakatanggap siya ng masamang tingin mula sa akin.

"Gusto mo patamaan kita ng kidlat?" inis na sabi ko sa kaniya pero ang loko kinindatan lang ako at sumabay na sa paglalakad kela Elijah at Lian na nauuna. Ako naman ay lumapit kay Ash.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLWhere stories live. Discover now