Prologue

1.5K 33 2
                                    

(Images are not mine

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Images are not mine. Credits to the right owners.)

PROLOGUE

Mainit.

Nararamdaman ko kung gaano kainit ang paligid. Pinunasan ko ang mga pawis na kanina pa tumutulo mula sa aking noo. Tiningnan ko ang mga braso ko. I don't understand what's happening, but it feels like I'm being scorched. I can't see any flames or any logical explanation for this sudden heat.

'Di ko maintindihan kung ano ang nangyayari sakin. Tila ba sinusunog ang buong katawan ko nang buhay. Wala akong ibang magawa kung hindi tiisin ang hapdi at sakit na nararamdaman ko. Naninikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga.

A dark force enveloped my body, attempting to elevate me from the ground until I was entirely suspended in the air. Sinubukan kong punasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi gamit ang aking kamay ngunit hindi ko na ito magalaw maski ang aking mga paa. Tanging ulo ko na lang ang malayang nakakagalaw.

Pinagmasdan ko ang paligid at unti-unti kong nakikita ang mga nasusunog na bagay pati na rin ang mga silhouette ng mga taong hindi ko kilala, maging sila ay nasusunog din ang buong katawan. The sky turned crimson, punctuated by fierce lightning strikes.

Bigla na lamang akong nakarinig ng sobrang lakas na sigaw na umalingawngaw sa buong paligid. Wala akong magawa kung hindi pakinggan ito kahit na tila ba nabibingi na ako. Ang sigaw na iyon, tunog ng mga taong humihingi ng tulong na tila ba sila ay pinaparusahan.

"Aira!"

Mabilis kong minulat ang aking mga mata at napabangon mula sa kama. Napatingin ako sa reflection ko sa full-length mirror. Hinihingal at pinagpapawisan ako, sobrang bilis din ng tibok ng puso ko na aakalain mong tumakbo ako nang malayo.

"It was just a dream," I whispered to myself.

Pinasadahan ko ng tingin ang orasan na nakapatong sa ibabaw ng cabinet. 2:59 AM. Napabuntong-hininga na lamang ako at muling humiga sa kama. I closed my eyes tightly until I finally fell asleep and was engulfed by darkness.

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

A/N:

Alam kong nakailang revise nako sa story na to. Maraming pagbabago sa plot pati sa mga characters. I'll revise the chapters and make it more detailed. Please trust me, thankie!

#WinterWonderland #WWTPL

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now