Chapter 1: Powerless

5.4K 106 4
                                    

AIRA

Huminga ako nang malalim. Madali lang naman ang gagawin mo Aira, magtatanong ka lang ulit kahit na alam mo naman na ang sagot. Malay mo biglang magbago ang isip niya.

Dahan-dahan kong binukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Mama na nilalagay ang mga gamit ko sa maleta. Pinagmasdan ko siya sa kaniyang ginagawa hanggang sa tuluyan niyang mapansin ang presensya ko. Marahan niya akong tiningnan.

"Malapit na 'kong matapos dito." Aniya.

"Ma, hindi ka po ba talaga sasama?" Mahinang tanong ko."

Ngumiti lamang siya nang pilit at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Nabalot ako ng kalungkutan dahil alam ko na ang sunod niyang sasabihin.

"Napag-usapan na natin 'to 'di ba?"

"Pero maiiwan ka pong mag-isa rito kapag umalis na ako. Ayaw mo bang bumalik do'n Ma?"

Ilang beses ko na siyang kinukulit na sumama pero ayaw niya talaga. Lagi ko ring napapansin na hindi siya komportableng pag-usapan ang tungkol sa probinsya namin na nagngangalang Winter Wonderland. I know it sounds funny, but that's really the name of our province.

"Makinig ka sakin Aira. May mga bagay ka pang hindi naiintindihan. Sana respetuhin mo ang desisyon ko na manatili rito sa siyudad. Ikaw lang ang mag-isang pupunta ro'n. Dapat nga matuwa ka kasi pinayagan kita 'di ba? Ito na ang pagkakataon mo para makasama ang Lolo at Lola mo." Seryosong sabi niya.

Umupo na lang ako sa kama habang pinapanuod siya sa pag-iimpake ng mga gamit ko.

"Ma, hindi mo po ba namimiss ang buhay mo ro'n kasama sina Lolo at Lola? Ayaw mo po ba silang makita?" Tanong kong muli.

Nag-eexpect ako na sasagutin niya ang tanong ko ngunit siya ay umiling lamang at hindi na ako pinansin.

Hindi ako sigurado kung bakit ayaw pumunta ni Mama sa lugar na 'yon at lagi na lang siyang tumatanggi. Nagtatanong ako sa kaniya tungkol sa Winter Wonderland dati pero lagi niya na lang iniiba ang usapan.

Mukhang ayaw niya talagang pag-usapan ang anumang bagay na related sa lugar na 'yon. Iwas na iwas siya sa mga tanong ko. Naguguluhan pa 'ko at patuloy ko pa ring inaalam ang rason kung bakit ayaw niyang pumunta ro'n.

Obvious naman siguro na may tinatago siya saking sikreto.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe, nakafocus lang si Mama sa pagmamaneho. Papunta na kami sa South Valley Train Line na kung saan naghihintay samin si Lolo.

Wala akong idea kung ano ang hitsura ng Winter Wonderland kasi kahit kailan ay walang pinakita sakin si Mama na pictures. Even when I use the internet to search about that place, no results come up. Weird, right? Or should I say...mysterious?

"Aira," tiningnan ko si Mama nang banggitin niya ang pangalan ko. "Ipangako mo sakin na hindi mo susuwayin ang Lolo at Lola mo. Huwag kang makulit do'n. At kung anuman ang mangyari ngayong araw at sa susunod pang mga araw, gusto ko na lagi kang mag-iingat."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Nawala ang excitement ko dahil sa mga sinasabi niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot.

"Do you understand?" Nakasandal lang ako sa bintana ng kotse habang nakatanaw sa lugar na nadaraanan namin.

"Ma, naguguluhan po ako. Ano po 'yung sinasabi niyong kung anuman ang mangyari ngayong araw at sa iba pang araw? Anong ibig sabihin no'n?" Hindi niya pinansin ang tanong ko at nagpatuloy lang sa pagsasalita na dahilan para mapasimangot ako.

"Lagi kang mag-iingat. Kapag nalaman kong may masamang nangyari sayo, hindi ako magdadalawang-isip na puntahan ka ro'n at ibalik dito sa siyudad."

"Ma, pwede ka po bang magstay do'n kahit isang araw lang?"

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now