Chapter 2: Guards

2.5K 60 1
                                    

AIRA

Patuloy pa rin akong tinatawag ni Lee ngunit hindi ko na siya nilingon at binilisan ko na lang ang paglalakad papunta sa bahay ng grandparents ko. I looked around at the people nearby, they're not normal. It just dawned on me that they possess various powers. Hindi ito ang inaasahan ko sa lugar na to. Natatakot ako sa totoo lang.

Nakarating kaagad ako sa bahay. Nakita ko si Lola na nasa kusina, 'di niya napansin ang presensya ko kaya't umakyat na lang ako sa second floor.

Ang bahay na 'to ay mukhang maliit lang kung titingnan mula sa labas pero napakalawak nito sa loob. Merong dalawang kwarto sa second floor, iyon siguro ang kwarto nila Lolo at Lola. Kahit na natetempt akong pakialaman ang mga gamit nila rito sa bahay, napagdesisyunan kong magtungo na lang sa third floor. Merong dalawang kwarto rito at magandang bookshelf sa dulo ng hallway.

Pumasok ako sa kwarto ko at pinagmasdan ang mga gamit. Parang gan'to lang din ang kwarto ko sa siyudad, parehas lang ng set up. Tiningnan ko ang picture frame na nakapatong sa drawer, litrato namin iyon ni Mama. Napangiti tuloy ako nang makita ko 'yon.

Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang cellphone ko. Sinubukan kong ibukas 'yon pero ayaw gumana, lowbatt siguro. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis. Mas lalo pa akong nainis nang hindi ko makita ang charger sa bag o maleta ko. Naiwan ko siguro 'yun sa bahay. Paano ko 'to gagamitin ngayon? It's useless now. Gusto ko pa namang magtake ng pictures.

Lumabas na lang ako ng kwarto at dumaan sa bookshelf. Tiningnan ko ang mga makakapal na libro at kumuha ako ng isa. Kapansin-pansin ang kalumaan ng libro. I opened the book but couldn't understand the writing on the pages because it was unusual. As I flipped through the pages, I saw faded photos.

Is this some kind of history book?

"Apo?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Lolo kaya't binalik ko kaagad ang libro na hawak ko sa bookshelf.

"A-ah, nagbabasa lang po ako." 'Di ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko kasi 'di ko naman talaga maintindihan ang mga nakasulat. Nataranta kasi ako kaya wala akong ibang nagawa kung hindi magsinungaling.

"Kamusta ang paglalaro mo kanina? May nakilala ka na bang bagong kaibigan?" Tanong ni Lolo.

"M-meron po at...mukha naman po siyang mabait."

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. 'Yung lalaking nakalaro ko ay nagtataglay ng apoy na kapangyarihan. Nakakatawang sabihin ang salitang 'kapangyarihan' sa totoo lang, para kasing hindi makatotohanan. Kahit na pilit kong itanggi, alam kong totoo nga na nagtataglay ng kapangyarihan si Lee.

Mukha naman siyang hindi nagsisinungaling at nagdemonstrate pa siya sa harap ko kanina. Sapat na siguro 'yon para maniwala ako, pero ang hirap talaga paniwalaan e. Paanong nangyari na nagtataglay siya ng kapangyarihan? I want to answer the questions running through my mind, and I know my grandparents can help me. This is probably the secret they've been hiding from me.

"Lolo, may gusto po sana akong sabihin."

"O ano 'yun?"

"Sa tingin ko, meron na po akong idea kung ano ang pinag-uusapan niyo ni Mama kanina sa South Valley Train Line. G-gusto ko pong malaman ang sikreto na nabanggit niyo tungkol sa probinsya na 'to." Tiningnan ako ni Lolo nang makahulugan at saka siya dahan-dahang tumango.

"Pag-usapan natin 'to sa baba."

Umupo kami ni Lolo sa pahabang sofa nang makababa kami sa first floor. Sakto namang napansin kami ni Lola Georgia at lumapit siya samin.

"Lolo, Lola, m-may nakilala po kasi ako kaninang lalaki at naglaro po kami. Hindi ko po inaasahan ang nangyari kanina at napag-alaman kong...n-nagtataglay po siya ng kapangyarihan." Panimula ko. Nagkatinginan silang dalawa, nagulat 'ata sila sa sinabi ko kaya't saglit silang hindi nakapagsalita.

Winter Wonderland: The Powerful Locket (Completed | Revising)Where stories live. Discover now